Darren umiiyak na naglabas ng saloobin sa mga magulang: Hinding-hindi ko kayo gustong bastusin, ever…

Darren umiiyak na naglabas ng saloobin sa mga magulang: Hinding-hindi ko kayo gustong bastusin, ever...

Darren Espanto

MAY pinagdaraanan nga ba ngayon ang Kapamilya young actor at singer na si Darren Espanto sa personal niyang buhay?

Naging madamdamin at bumuhos ang luha sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay” nang mag-guest sa programa si Darren at mapag-usapan ang relasyon niya ngayon sa kanyang parents.

Napaiyak ang binata habang nagkukuwento tungkol sa ilang pagkakataon na hindi sila nagkakaintindihan ng mga magulang.

Nasa Canada ang kanyang magulang na sina Lyndon at Marinel Espanto na nagtatrabaho roon bilang mga nurse. Naroon din ang nakababata niyang kapatid na si Lynelle.

Nasa Pilipinas naman ngayon si Darren para ipagpatuloy ang kanyang showbiz career kaya medyo matagal-tagal na rin niyang hindi nakikita at nakakasama ang kanyang pamilya.

Nang matanong nga ang binata ng mga host sa “Magandang Buhay” kahapon, September 28, tungkol sa relasyon niya sa kanyang parents, nagsimula na siyang maging emosyonal.

“Siguro I promise to keep trying to make you proud always, and I promise not to be a disappointment too often,” pahayag ng actor-singer.


“Kasi siyempre, nandoon na po tayo sa edad na may mga gusto ka ring gawin, na minsan hindi tugma sa kagustuhan ng mga magulang natin.

“Pero it’s a part of life. Depende rin yun, I guess, sa sitwasyon niyo sa bahay, sa relationship mo sa magulang mo.

“Magkakaiba naman tayong lahat sa relationship kung paano tayo pinalaki, kung paano tayo makipag-usap sa mga magulang natin.

“But I promise to my parents, sana hindi kayo… sana makita niyo pa rin yung Darren na kilala niyo nung bata ako, bago lumipad papuntang Pilipinas,” lumuluhang pagbabahagi pa ng binata.

Pangako naman niya sa pinakamamahal na nanay at tatay, “Hinding-hindi ko kayo gustong bastusin, ever. Siguro may mga times lang na may gusto akong gawin para sa sarili ko.

“Pero siyempre, as a parent, hindi niyo matatanggal sa magulang natin yung mag-alala or hindi niyo matatanggal iyon, lalo na sa mga ina, sa mga momshies. Iba yung pag-worry nila sa atin.

“I just promise to try my best to always make you guys proud and not be a disappointment,” ang umiiyak pa ring pahayag ni Darren.

Sabi naman ng host na si Regine Velasquez kay Darren na nakaka-relate bilang isang ina, “Nag-aalala kasi kami. Meron kaming feeling namin mas dito kayo tama. Kaya meron kaming ganoon.”

“Kami, what we want for you guys is maging maayos lang ang buhay niyo,” sabi pa ng Asia’s Songbird.

Dagdag naman ng isa pang host ng show na si Melai Cantiveros, dobleng sakit daw ang nararamdaman ng mga magulang kapag nahe-hurt ang mga anak.

“But it’s very normal,” ang sabi pa ni Melai patungkol sa tampuhan ng mga anak at ng mga magulang.
https://bandera.inquirer.net/285949/darren-dedma-sa-nangnega-sa-kanyang-pa-yummy-birthday-photo-yung-iba-kasi-mema-lang
https://bandera.inquirer.net/321225/darren-kami-po-ni-cassy-we-are-very-close-alam-namin-ang-lahat-ng-tungkol-sa-isat-isa
https://bandera.inquirer.net/321080/darren-espanto-naiyak-nang-ibahagi-ang-pangako-sa-magulang-seth-fedelin-umaming-takot-pa-rin-sa-parents
https://bandera.inquirer.net/323149/tunay-na-relasyon-nina-darren-at-cassy-ibinandera-ni-carmina-i-really-trust-them-kaya-huwag-lang-sana-nilang-sirain

Read more...