NASASAKTAN din ang veteran comedian at TV host na si Janno Gibbs kapag tinatawag siyang “La Ocean Deep” o “laos.”
Kuwento ng singer, may mga pagkakataong nakararamdam siya ng sakit kapag may nababasang comments sa social media at diretsahan siyang sinasabihang “laos ka na!”
Pero pag-amin ni Janno tanggap naman niya ito lalo na kapag wala siyang ginagawang proyekto at hindi visible sa mga showbiz happenings.
Sa YouTube vlog ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz na in-upload noong September 25, nabanggit ng singee-comedian na palagi siyang sinasabihang “laos” ng kanyang mga bashers.
Marami rin kaming nababasang ganito noong kasagsagan ng Eleksyon 2022 kung saan lantaran ang pagsuporta ni Janno Gibbs sa kandidatura ni Leni Robredo nang tumakbo itong presidente.
“Lagi namang binabalik sa akin, ‘Laos ka na. Laos na kaya nag-iingay sa social media,’” sey ng beteranong komedyante.
Sundot na tanong ni Ogie, “Sinasagot mo?”
“Oo, pero aminado naman akong hindi na ako sikat, laos na,” tugon ni Janno.
Sey uli ni Ogie, “Pero di ba, para sabihan kang laos, ibig sabihin sumikat ka?”
Tugon naman ni Janno, “Yun ang sinasagot ko. Ang sasabihin ko, ‘Ikaw ba sumikat ka ba?’ Iyan ang sinasagot ko. ‘Ako nalaos pero ikaw ba sumikat ka ba kahit kailan?’ Yun ang mga sagot ko,” aniya.
Kasunod nito, inamin nga ni Janno na naaapektuhan din siya sa salitang “laos”, “Nahe-hurt din pero tanggap ko naman. Alam mo, sa paniniwala ko, laos lang naman ako pag wala akong ginagawa, e.
“Kapag may movie akong bago, hindi na naman ako laos, di ba? Ganun lang naman yun, e,” paliwanag ng comedian.
Sa isang social media post ni Janno, sinagot din niya ang mga netizens na nang-ookray sa kanya, “Bakit ganon? Pag dumating ang bashers, sabay-sabay sunod-sunod sa isang araw. At dumarating sila pag madami likes ang post. May GC kayo? Laging sinasabi laos na ako, papansin. Bakit n’yo pinapansin?”
Sa nasabi ring vlog, dinenay ni Janno na siya ang lalaking nasa sa viral video scandal na kumalat noong August, 2018.
Aniya, kamukha lang niya ang guy ay hindi raw siya yun, “Ang hirap sagutin. Kasi ako, alam ko sa sarili ko na hindi ako yun.
“Either sobrang kamukha ko. Hindi naman sobrang ano ng face ko, e. Madami akong kahawig o technically manipulated.
“Madali na ngayon yun. Nakikita mo naman na sila Keanu Reeves, puwedeng ipatong.
“But ang problema, pinaniwalaan ng isang tao kung ano ang gusto niyang paniwalaan. Yun ang mahirap, e. Hindi makikinig,” paliwanag ng komedyante.
https://bandera.inquirer.net/318201/janno-gibbs-sinagot-ang-basher-kay-leni-na-lang-ba-umiikot-ang-mundo
https://bandera.inquirer.net/282101/alessandra-inokray-si-duterte-nakipagsagutan-sa-dds-vlogger-na-tumawag-sa-kanya-ng-laos
https://bandera.inquirer.net/281661/toni-hindi-na-takot-malaos-nami-miss-ang-simpleng-buhay-noong-wala-pa-sa-showbiz
https://bandera.inquirer.net/289627/jessy-mendiola-sinagot-ang-pasaring-na-laos-at-walang-projects