KERING-KERI na talagang mag-join ng aktres at celebrity mom na si Andi Eigenmann sa mga surfing competition tulad ng kanyang fiancé na si Philmar Alipayo.
Sa mga Instagram post ni Andi, makikita kung paano talaga niya kinakarir ang pag-aaral ng surfing sa napakagandang karagatan ng Siargao.
Ginagamit din ng misis ni Philmar na isang champion surfer ang kanyang Instagram Reel videos para mapag-aralan ang kanyang mga galaw at istilo at mas ma-improve pa ang kanyang surfing skills.
Pero ayon sa anak ng premyadong actress na si Jaclyn Jose, bukod sa kaligayahan at satisfaction na nakukuha niya sa nasabing sports, napapanatili rin niya ang kanyang maayos na mental health condition at “physical place.”
“Safe to say I am now legit living the life I’ve always dreamed of.
“No, I am not talking about that ‘aesthetic’ island life you see in my Instagram. It’s all of it, imperfections, struggles and all,” ang pagbabahagi ni Andi sa kanyang Instagram followers.
Dugtong pa niyang mensahe, “Just like in my surfing, I’m proud to say I’ve come a long way.
“But what helps me improve is going through it (life + surfing) always wanting to learn more and figure out how to get better. Plus of course, not to forget, doing it all with a smile,” aniya pa.
“Daming drama Akala mo nanalo na ako ng award, naka video lang naman,” hirit pa niya.
Nauna rito, nabanggit din ni Andi na natupad na rin niya sa wakas ang pangarap niya noong 11-years-old pa lamang siya – ang matutong mag-surf at makipaglaro sa malalaking alon sa dagat.
Ilang taon na ring nananinirahan sa Siargao si Andi kasama si Philmar at ang kanilang mga anak. Meron na rin silang pag-aaring surfing school at snack bar sa nasabing isla.
Matatandaang sumali si Andi sa kauna-unahan niyang surfing competition sa Siargao kamakailan, ang 7th Pacifico Local Surfing Competition na ginanap sa San Isidro.
“I joined my first (competition today, and made it to round two! So happy! Thank mahal @chepoxz,” ani Andi na ang tinutukoy ay ang partner niyang si Philmar.
https://bandera.inquirer.net/314041/sa-wakas-andi-eigenmann-natupad-na-ang-childhood-dream-kahit-3-na-ang-anak
https://bandera.inquirer.net/312809/andi-may-hugot-sa-pagtatayo-ng-sariling-negosyo-sa-siargao-symbolic-of-how-far-weve-come
https://bandera.inquirer.net/310127/andi-eigenmann-philmar-alipayo-tutuparin-ang-pangarap-na-magka-surf-school-at-snack-bar-sa-siargao
https://bandera.inquirer.net/294268/yassi-binisita-ang-pamilya-ni-andi-sa-siargao-i-love-when-you-see-some-of-your-real-friends