Piolo hindi na naghahanap ng dyowa: Sanay na kasi talaga akong mag-isa…and I believe in destiny

Piolo hindi na naghahanap ng dyowa: Sanay na kasi talaga akong mag-isa...and I believe in destiny

Piolo Pascual at Inigo Pascual

WALANG issue kay Piolo Pascual kung sakaling mauna pang magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya ang kanyang anak na si Inigo Pascual.

Naniniwala ang tinaguriang Ultimate Leading Man na kung may taong nakalaan para sa kanya ay darating at darating ito pero sa ngayon daw ay hindi naman siya naghahanap ng magiging dyowa.

“Hindi naman natin hinahanap yan. Kapag dumating, diyan na natin haharapin. Pero ngayon talaga po, Okay naman ako, eh.

“Nasanay na rin siguro akong mag-isa. Hindi ko siya… I mean, it’s not something that I am excited to have, or something that I would want to have.

“For now, I just would like to focus on myself, and you know what I can do. Sanay na kasi talaga akong mag-isa, eh.

“Hindi ko alam kung darating. Pag dumating, harapin na lang natin,” ang dire-diretsong pahayag ni Papa P sa mediacon ng Beautederm.

Sa tingin ba niya ngayong 25 years-old na ang kanyang anak ay naiisip na nito ang bumuo ng sarili niyang pamilya?

“I guess my son is the same as me in terms of being career-driven and, at this point in his life, I know that he really wants to focus on this while he still has the chance.


“He has this opportunity to grow in this business. But should there be the time na sabihin niya sa akin na papakasal siya, you know, I would be happy for him. Of course, I’ll be there to support him through and through,” tugon ni Piolo.

At para naman sa kanya ang lovelife ay, “Hindi yan hinahanap, dumarating na lang yan. I believe in destiny, in something that happens out of fate and divine intervention. I believe in magic, I believe in something electrifying.

“I will know it when the person comes and gives me that feeling. At the end of the day, it’s about the heart or my special feelings for the person,” chika pa ni Piolo.

Piolo posibleng mapasama sa Hollywood project ni Inigo: Let’s cross the bridge when we get there

Kathryn, Daniel 11 years nang magka-loveteam, nagpasalamat sa KathNiel fans: Still can’t believe how far we’ve come!

Piolo naiinggit din sa mga kaibigang may pamilya na: ‘Pero anong magagawa natin, mas mahal ko ang halaman…joke!’

Inigo natupad na ang pangarap na magkaroon ng farm, bumili pa ng mga kabayo, baboy at baka

Read more...