Kelvin Miranda: Naguguluhan ako sa mga nangyayari sa buhay ko, sa nangyayari sa sarili ko…

Kelvin Miranda: Naguguluhan ako sa mga nangyayari sa buhay ko, sa nangyayari sa sarili ko...

Kelvin Miranda

FEELING ng Kapuso heartthrob na si Kelvin Miranda ay nahuhuli na siya sa mga bagay na kailangan niyang magawa, kabilang na riyan ang pag-abot sa kanyang mga pangarap.

Sa pa-Q&A session ng binata sa kanyang Instagram Story, marami ang nagtanong kung anu-ano na ang mga kaganapan sa personal niyang buhay at showbiz career.

Dito nga niya inamin na mukhang napaaga raw ang pagdating ng midife crisis sa buhay niya dahil sa mga challenges na kanyang kinakaharap.

“Feeling ko napaaga ‘yung pag-experience ko ng midlife crisis. Naguguluhan ako sa mga nangyayari sa buhay ko, sa mga nangyayari sa sarili ko.

“Like yung sa mga decisions ko, feeling ko nahuhuli na ako sa lahat ng bagay na kailangan ko magawa at mga pangarap ko,” pahayag ni Kelvin.

Ito’y sa kabila nga ng mga achievements na napagtagumpayan niya tulad ng pagtawag sa kanya bilang isa sa mga successful Gen Z leading man sa Philippine showbiz.

Sumikat ang Kapuso actor sa hit GTV series na “The Lost Recipe” kasama si Mikee Quintos at mas lalo pa siyang nakilala at binansagang “breakthrough actor” sa GMA primetime series na “Loving Miss Bridgette” kung saan nakatambal niya si Beauty Gonzalez.

Pero knows n’yo ba na sa kabila nito, inaatake pa rin siya ng mga insecurities na talagang hindi niya mapigilang maramdaman.

“Kahit na kasalanan na ma-insecure, darating pa rin na makikita at kahaharapin natin siya. Ako, insecure ako sa height ko,” pag-amin ni Kelvin.


At para malabanan ang mga kanegahan sa paligid, mino-motivate na lamang niya ang sarili, “Kadalasan sa mga nakikita ko sa paligid ko, sa lahat ng tao, sa iba’t ibang larangan, na hindi lang ako nag-iisang lumalaban sa daluyong ng buhay.”

Naibahagi rin ni Kelvin sa kanyang IG followers ang kanyang mantra sa buhay na una niyang ipinost sa Facebook noong August 2, 2019.

Aniya, “Kung may galit ka sa iyong puso, hindi ‘yan makakatulong sa pag-asenso o pag-unlad. Kailangan ‘yang itapon para patuloy ang paglipad.

“Walang masama at hindi kasalanan ang magpatawad. Kaya kung may galit ka sa puso mo, alisan mo na ‘yang negatibong enerhiya at paliyabin mo ang positibong enerhiya upang patuloy ang pag-unlad.

“Kaya kung may kinagagalitan ka man, palipasin mo na ‘yan! Walang magandang dulot ‘yan para sa kinabukasan. Hindi mo madadala ang pride sa kinauukulan at may gawa ng kalahatan,” ang bahagi ng kanyang FB status.

Kasalukuyang ginagawa ngayon ni Kelvin ang bago niyang serye sa GMA 7, ang “Unica Hija” na mapapanoos na very soon sa GMA Afternoon Prime.

Napapanood naman siya every weekens GTV sitcom na “Tols” kasama sina Rufa Mae Quinto, Betong Sumaya, Abdul Raman, Shaun Salvador at marami pang iba.

https://bandera.inquirer.net/318977/kelvin-miranda-na-diagnose-ng-bipolar-1-ptsd-adhd-noong-kasagsagan-ng-covid-19-pandemic

https://bandera.inquirer.net/296721/kelvin-miranda-gusto-nang-magkadyowa-pero-sa-ngayon-mahirap-yung-commitment
https://bandera.inquirer.net/322792/vice-ganda-itinuturing-na-superhero-si-ion-perez-he-fully-understands-me
https://bandera.inquirer.net/294839/lolot-lola-super-kilig-din-sa-tambalang-beauty-at-kelvin-fans-humiling-ng-extension-sa-gma

Read more...