WALANG pagsisisi si Inigo Pascual na iniwan niya noon ang boyband group sa Amerika para umuwi ng Pilipinas.
Matatandaang hindi tinanggap ni Inigo ang offer dahil mas pinili niyang makasama ang magulang dito sa bansa at ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Edad 16 noon ang nag-iisang anak ni Piolo Pascual.
Nang makapanayam namin ang singer-actor ay natanong namin na mas maganda ang pinili niyang career ngayon kaysa sa boyband na tinanggihan niya.
Natawa at naubo si Inigo, “Yung boyband na ‘yun when I was 16, actually, kinumpara ko rin nu’ng nandoon ako sa Atlanta (USA). Nu’ng time na nandoon ako sa boyband kabado ako no’n tapos umiiyak ako na parang hindi ko kaya, hindi ako prepared.
“Tapos ngayong nandoon ako sa Atlanta, nag-thank you ako kay Lord kasi parang naging training ko ‘yung umuwi ako ng Pilipinas, dito muna ako nag-artista at least pagpunta ko ro’n, hindi ako ‘yung hindi ko alam ang ginagawa ko, hindi ko alam kung ano ba ang dapat gawin ko o sabihin ko.
“May mga instances na sasabihin sa akin na, ‘Can you do a short video? Can you talk about the set, behind the scenes (ng Monarch series)?’ Alam ko ‘yung ginagawa ko, (kasi) nag-MYX ako, nag-host ako, so, nadala ko ‘yung mga natutunan ko rito.
“Tapos nagugulat sila na, ‘Why do you know all of these? You seem you’ve been doing these for a while?’ Kasi ‘yung mga tao sa set, mga crew hindi naman nila alam na nag-artista muna ako sa Philippines. So, na-amaze sila na parang sanay na sanay na ako sa set (at) alam ko ‘yung mga dapat kong gawin.
“It’s a blessing siguro na itinuloy ko po muna ‘yung career ko rito at masasabi ko ngayon na may knowledge ako, mas kilala ko (na) ‘yung sarili ko and mas natsa-challenge ako,” aniya.
Destiny din talaga siguro na hindi mapasama si Inigo sa nasabing boyband dahil disbanded na ito samantalang ang aktor ay heto’t namamayagpag ang karera sa ibang bansa at ang ganda ng role niya as Ace Grayson sa “Monarch” drama series na umeere sa Fox at napapanood din sa iWantTFC.
Natanong din namin kung kumusta ang singing career ni Inigo rito sa bansa at nabanggit niyang tuloy-tuloy pa rin ang pagsusulat niya ng kanta at hindi lang puwedeng ilabas muna habang umeere ang “Monarch.”
“Nagsusulat po ako, just right now hindi pa ako puwedeng mag-release because we are exclusive with Monarch, para pong Glee (TV series) na iri-release rin ‘yung album namin sa show,” esplika ni Inigo.
Samantala, inamin din niya na nag-auditions din siya sa Hollywood at pangarap niyang mapabilang din siya sa any Marvel movies.
“Nag-audition ako sana, pangarap ko sa Marvel (any role),” saad ng binata.
Ang layo na ng narating ng karera ni Inigo at wala kaming nakita o naramdamang pagbabago sa anak ni Papa P simula nang makausap namin siya sa mediacon ng una niyang pelikulang “Relaks, It’s Just Pag-Ibig” noong 2014 katambal niya ang ex-girlfriend na si Sofia Andres.
Aliw na aliw kami sa aktor dahil pagkatapos ng mediacon niya ay para siyang batang isa-isang inaasar ang staff ng Cornerstone at sinasayawan niya na kunwari siya si Jollibee with matching kanta pa.
Sabi namin, “Sana i-maintain mo ‘yang hindi ka magbabago kahit international actor ka na.”
“Ay hindi po, malayo po, hindi po talaga,” pagsisisuro ng binata.
Ang ganda ng pagpapalaki nina Piolo at Donna Lazaro kay Inigo dahil lumaki itong magalang, mabait at responsable.
At siyempre, malaki rin ang naibahagi ng manager ni Inigo na si Erickson Raymundo na bawal sa mga artists niya ang lumaki ang ulo or else, bibitawan na niya.
https://bandera.inquirer.net/289675/inigo-natupad-na-ang-pangarap-na-magkaroon-ng-farm-bumili-pa-ng-mga-kabayo
https://bandera.inquirer.net/324972/piolo-posibleng-mapasama-sa-hollywood-project-ni-inigo-lets-cross-the-bridge-when-we-get-there
https://bandera.inquirer.net/293374/birthday-wish-ni-inigo-tinupad-agad-ng-hollywood-actress-nag-celebrate-sa-set-ng-monarch
https://bandera.inquirer.net/323580/inigo-pascual-nanibago-nang-mag-shoot-ng-monarch-may-sarili-akong-trailer