TALAGANG inilaban ng Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang ang pangarap niyang makapagpatayo ng summer house para sa kanyang mga anak.
Kahit mahirap, siniguro ng komedyana na makapag-ipon at mabuo ang kailangang budget para sa bago niyang project na inilalaan niya para sa pinakamamahal na mga anak na sina Mae at Malia.
Ibinahagi ni Pokey sa kanyang Instagram account ang kanyang latest investment na natigil daw pansamantala nang magkaroon ng COVID-19 pandemic.
Dahil sa pandemya, nawalan nga siya ng regular na trabaho kaya ang ending wala rin siyang sapat na kita.
“Our @camayacoast_ph summer house soon… Thank you papa God. Sa kabila ng naantalang pagpapatayo dahil sa pandemic at kawalan ng sapat na raket para mapatapos ka, lumaban ako at nagpursige para sa pangarap ko sa mga mahal ko,” ang caption ni Pokwang sa kanyang IG post.
Aniya pa, “Abangan sa bago kong vlog ang kabuuan ng summer house ni @malia_obrian at ate @maesubong. Soon this December.”
Last August, nag-celebrate si Pokwang ng kanyang 50th birthday. Isang sorpresang party ang in-organize ng panganay niyang anak na si Mae kaya naman super touched ang komedyana.
Noong Hulyo, kinumpirma ng Kapuso star na hiwalay na sila ng kanyang longtime partner at ama ni Malia na si Lee O’Brian.
“I’m okay. We’re okay. No third party involved and we’re both co-parenting kay Malia. Maayos naming tinapos ang lahat. Hindi kami pait-paitan.
“In fact, welcome siya sa bahay. Every weekend ay magkakasama kami. Seven months of surviving and peace ‘ika nga,” sey ni Pokwang sa isang panayam.
Seven years tumagal ang relasyon nina Pokwang at Lee at nilinaw nila na walang third party involved. Una silang nagkakilala sa TFC movie na “Edsa Woolworth” na ipinalabas noong 2014.
https://bandera.inquirer.net/296909/paolo-contis-balak-bisitahin-si-summer-deadma-sa-interview-ni-lj
https://bandera.inquirer.net/291129/omg-hiwalay-na-nga-ba-sina-paolo-contis-at-lj-reyes-2
https://bandera.inquirer.net/308779/hirit-ni-lolit-lj-hindi-dapat-ilayo-ang-mga-anak-sa-kanilang-ama-paolo-was-trying-to-be-a-good-father
https://bandera.inquirer.net/306531/lj-reyes-masayang-nakipag-bonding-sa-mga-anak-best-way-to-keep-them-away-from-screen