SA gitna ng kinakaharap na kontrobersiya, isang open letter ang ibinahagi ng miyembro ng Eraserheads na si Marcus Adoro sa kanyang social media account.
Ito’y matapos magbanta ang ilang supporters ng iconic OPM band na iboboykot nila ang reunion concert ng grupo na nakatakdang maganap sa December 22 kapag isinali ang kanilang gitarista sa show.
May kinalaman ito sa umano’y pananakit at pang-aabuso niya noon sa kanyang anak na si Syd Hartha Chua at sa dati niyang asawa.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Marcus ng mensahe para sa lahat ng nasaktan niya, lalo na sa kanyang anak kasabay ng hiling na sana’y mabigyan pa siya ng second chance.
“I’ve lost contact with my daughter for years now. Recently, I’ve tried to reach out to her through her manager, but I’m not sure if my messages are getting through. So, I’m making this post,” simulang pahayag ni Marcus.
Patuloy pa ng gitarista, “Syd, san ka man, I hope you’re doing well. As you already know, I’m far from perfect kaya normal if you want nothing to do with me.
“Sana lang magkaroon ng second chance for redemption. I’m sorry for the ruckus that I may have caused my family, the public, the sponsors, and my bandmates. Pasensya na,” aniya pa.
Kasunod nito, pinasalamatan ng musikero ang lahat ng taong patuloy na sumusuporta sa Eraserheads mula noon hanggang ngayon.
“I also want to thank the people who are supporting E-Heads’ art.
Please continue to support the E-Heads reunion. Alay po sa ating lahat ito,” sabi ni Marcus.
Nauna rito, naglabas din ng official statement ang manager ni Ely Buendia na si Diane Ventura, na co-producer ng “Huling El Bimbo” reunion concert ng Eraserheads.
Aniya, “One of Buendia’s non-negotiable conditions prior to signing was that Adoro resolve his issues otherwise he would not work with him.”
“This was promised by Marcus’ management which was why we even reconsidered. To call Ely an enabler is categorically false and absurd.
“We do not condone abuse that is absolute. We acknowledge the pain and suffering of the parties involved and we seek accountability,” sabi pa ng talent manager at producer.
“However, we will do what we can to encourage peace, and resolution and will never get in the way of possible reconciliation or second chances between families, We are hoping for good to come out of this,” dagdag pa ni Diane.
Huling nag-perform ang Eraserheads noong 2016 para sa isang mini-set kung saan kinanta nila ang kanilang hit classics na “Maling Akala” as well as “Pop Machine” at “Poor Man’s Grave.”
Ilang beses nang napabalita na magkakaroon ng reunion concert ang grupo pero paulit-ulit din itong dinenay ni Ely. Ipinagtanggol din niya ang sarili sa balitang siya ang dahilan kung bakit hindi matuluy-tuloy ang kanilang concert.
“It’s not like I’m the only one deciding these things. I’m just another cog in the machinery.
“Don’t get why when it’s something negative about the band, the blame falls on me, but if it’s something positive, oh, it’s a group effort. Anyway, I was just trying to warn the general public. Peace,” paliwanag ng veteran singer-songwriter.
https://bandera.inquirer.net/324785/raymund-marasigan-sa-isyu-ni-marcus-adoro-i-hope-the-issue-between-the-parties-gets-resolved-soon
https://bandera.inquirer.net/324766/ely-buendia-hindi-nga-ba-sisiputin-ang-eheads-reunion-concert-kung-hindi-maaayos-ang-isyu-ni-marcus-adoro
https://bandera.inquirer.net/324602/miyembro-ng-eraserheads-inireklamo-ng-netizens-wag-daw-isama-sa-reunion-concert
https://bandera.inquirer.net/284602/jennica-balik-showbiz-para-buhayin-ang-2-anak-kailangang-magsakripisyo