GALIT na galit din ang aktres at singer na si Nadine Lustre nang mapanood ang video ng isang lolang nasagasaan at basta na lang iniwan ng isang motorista sa Parañaque City.
Tulad ng naging reaksyon ng mga netizens, awang-awa si Nadine sa sinapit ng matandang babae at hindi raw niya mapigilan ang mapaiyak habang pinanonood ang video.
Viral na ngayon sa social media ang CCTV footage kung saan makikita ang pagsagasa sa street sweeper na si Doreen Bacus, 63 anyos, at residente ng Masville, Barangay Sucat.
Nangyari ang insidente sa Aguirre Avenue, sa isang subdivision sa Barangay BF Homes, Parañaque City nitong nagdaang Sabado, September 24. Sa naturang video, makikita si Lola Doreen na nakatalikod sa gilid ng kanto at nagwawalis.
Ilang sandali lang ay biglang may dumating na rumaragasang sasakyan at nabundol nga si lola at nagulungan pa. Ngunit hindi man lang huminto ang sasakyan at basta na lang inabandona ang biktima sa kalsada.
Balitang kritikal ang kundisyon ni Lola Doreen na agad na isinugod sa Philippine General Hospital (PGH) nang matagpuan ng mga residente sa pinangyarihan ng insidente.
Sa Facebook post ng isang barangay official, naaresto ng ilang residente roon ang driver ng sasakyan na tinangka pa umanong tumakas.
“The driver was apprehended by responding police, tanods and security guards and is currently detained at the Parañaque Traffic Management Bureau for investigation.
“We hope the driver is punished by the full extent of the law as this will set an example to others not to take the roads for granted,” ang nakasulat sa nasabing FB post.
Una naming nabasa ang reaksyon ng news anchor na si Karen Davila na nanawagan pa ng tulong para kay Lola Doreen. “This is so evil!” simulang pahayag ng broadcaster.
“Sharing this as it happened at 5:30 AM today Sept 24, 2022 in our BF Homes Parañaque Community. Atrocities like this need to STOP… and the victim, Lola Doreen needs our help,” ayon sa Instagram story ni Karen.
“Let’s please help her as she has a broken skull and is fighting for her life at the hospital,” aniya pa.
Nabahala at naalarma rin si Nadine sa sinapit ng lola. Ni-repost niya ang mga tweet ng fashion designer na si Rajo Laurel, na screengrab naman mula sa IG story ni Karen.
“Our justice system is so flawed we don’t even know if this issue will be handled accordingly. Naiiyak talaga ako para kay lola at sa pamilya niya,” ang caption ng aktres sa kanyang Twitter post kalakip ang viral video.
“Di ko ma-explain yung galit ko…Not buying the whole ‘unaware’ bs. Mararamdaman mo naman siguro kung may nabangga ka,” aniya pa.
Ilang sandali lamang ang dumaan, binura rin ni Nadine ang video, “I deleted my tweet with the vid. Just realized that it’s very triggering.”
Base sa latest update, nasa kustodiya na ng mga pulis ang driver ng sasakyan na nakasagasa sa lola na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in serious physical injury.
https://bandera.inquirer.net/295319/jake-sa-mga-umarestong-pulis-hindi-ako-naglaban-hindi-ko-sila-pinahirapan
https://bandera.inquirer.net/307496/dimples-romana-naging-beauty-queen-muna-bago-sumikat-sa-showbiz-kinoronahan-ni-gloria-diaz
https://bandera.inquirer.net/290610/lolit-may-bwelta-sa-mga-nangingialam-sa-lovelife-ni-kris-basta-mahal-mo-ipagmalaki-mo-ipaalam-mo-sa-buong-bayan
https://bandera.inquirer.net/300206/aj-raval-matindi-ang-pinagdaanan-may-mga-death-threats-ako-galit-na-galit-sila-sa-akin