TINAGURIANG “bruha slayer” ang veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez dahil sa pagpatol at pambabasag niya sa mga bashers at haters sa social media.
Talagang binubuweltahan ng news anchor at TV host ang mga bastos at laiterang trolls lalo na kapag below the belt na ang ibinabatong paninira sa kanya.
Wala siyang pakialam kahit na mabawasan pa ang mga followers niya sa kanyang social media accounts, basta ang mahalaga maturuan niya ng leksyon ang mga gumagawa ng fake news.
Ngunit paglilinaw ni Korina, hindi naman daw lahat ng bashers sa socmed ay pinapatulan niya, “First of all pinipili ko yung isyu na papatulan ko.
“Pero kapag dinikitan ko na yung isyu na yan hindi kita uurungan. Kasi may mga bagay na alam mo yung walang kakuwenta-kuwenta, na gusto lang talagang magpakanega ng isang tao tungkol sa itsura mo, yung damit mo, ang pangit mo or whatever, kung anuman yung gusto nilang sabihin.
“Kadalasan sa hindi, at natutuwa naman ako na, padalang na sila nang padalang sa pages ko mula noong sinabi kong nakausap ko na si Senador Ping Lacson tungkol sa mga trolls at hahabulin namin silang lahat. Parang medyo tumigil na sila,” ang pahayag ni Korina sa mediacon ng Eagle Broadcasting Corporation last September 21 para sa mga programa ng NET25.
Pahayag pa ng broadcaster, hindi niya uurungan ang mga bashers na nagpapakalat ng mga pekeng balita pati na rin ang mga isyung talagang pinaniniwalaan niya.
“Magkasawaan tayo ng sagutan! Kung minsan kasi, hindi ba kapag kausap mo ang bata kailangan ang tono mo ay pambata din, maiintindihan ng bata.
“Kapag pumunta ka ng Amerika medyo kailangan mong i-swarsh-swarsh (i-slang) ang iyong accent para maintindihan ka nila.
“Kapag kausap mo ay teenager hindi ka puwedeng parang matandang nanenermon, sasabayan mo rin ang lengguwahe nila. Kapag kausap mo naman dignitaryo iba rin ang tono mo, ang lengguwahe mo.
“Alam mo kapag ang kausap mo ang mga walanghiya, kailangan medyo walanghiya ka rin. I don’t mean to offend but I will just speak the truth because it is the language that they understand.
“So kadalasan naman sa hindi tumitigil sila, aba’y nagso-sorry pa kung minsan. O, kaya bigla na lang naglalaho,” chika pa ni Korina.
Samantala, magsisimula na ang programang “Korina Interviews” sa darating na October 2, Sabado, 5 p.m. sa NET25.
Natanong si Korina kung gaano siya ka-hands-on sa “Korina Interviews” at dito nga niya nai-share ang tungkol sa ginawa niya noon sa programa niyang “Rated K” sa ABS-CBN.
Taong 2020 nang nawalan ng prangkisa ang Kapamilya network na sinabayan pa ng COVID-19 pandemic at isa nga sa naapektuhan nito ay ang “Rated K.”
“E, siyempre ako never say die. Iniisip ko rin yung mga tao na mawawalan ng trabaho. So ang ginawa ko sa Rated K noon is I put it on Facebook, and I looked for sponsors myself.
“And iyon na, nag-metamorphose na siya into me being the actual producer of all the shows that I’m in,” sabi pa ni Korina na regular na uling mapapanood sa telebisyon.
https://bandera.inquirer.net/286508/iniiwasan-ko-na-yung-nega-wala-akong-opinyon-sa-politika-wala-akong-winawakwak
https://bandera.inquirer.net/284115/korina-may-pa-tribute-para-sa-ika-64-kaarawan-ni-mar
https://bandera.inquirer.net/286550/richard-umaming-medyo-istriktong-tatay-kay-juliana-pero-ayoko-namang-kinatatakutan-niya-ako
https://bandera.inquirer.net/302596/swimsuit-photo-ni-korina-na-may-caption-tungkol-sa-covid-binatikos-wala-sa-lugar-sobrang-off