Michelle Madrigal handa na sanang maging single forever pero na-in love uli: It’s so freeing to feel like a lady again

Michelle Madrigal at ang kanyang boyfriend na foreigner

MARAMING natutuwa sa pagkakaroon ng bagong dyowa ng actress-vlogger na si Michelle Madrigal.

Iisa ang halos komento ng kanyang mga kaibigan, deserve niya ang magkaroon uli ng lovelife matapos maaprubahan ang divorce nila ng dating asawang si Troy Woolfolk.

Kitang-kita naman sa mga social media post ni Michelle kung gaano siya kaligaya ngayon sa piling ng kanyang foreigner boyfriend na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya binabanggit ang pangalan.

Bukod sa kanyang blooming lovelife, maayos din ang relasyon nila ni Troy na katuwang pa rin niya sa pagpapalaki at pag-aalaga sa anak nilang si Anika.


Sa kanyang Instagram Reel, nag-post ang dating Kapuso actress ng ilang sweet photos nila ng bago niyang boyfriend kalakip ang kanyang mensahe para sa gwapo at hunky non-showbiz guy.

Sey ng aktres sa caption, “God answers prayer according to His perfect will, in His perfect timing.”

Dugtong pa niya, “This was definitely not in my plan. I wanted to be single for as long as I could…. But boyyyyy I’m so glad it happened.

“It’s so freeing to feel like a lady again. Not having to be in a fight or flight mode all the time. It feels like home,” chika pa ni Michelle.

May isa pa siyang IG photo na may caption na, “I like WHO I’ve become and I’m excited about the woman I am becoming. Don’t forget to bet on yourself.”

Sabi ni Michelle tungkol sa bagong BF, “We have an understanding. I think we’re pretty much on the same page.

“He’s got kids, so I think it was just a good, I would say, match sa lifestyle ko and sa lifestyle niya,” aniya pa.

Ilan sa mga celebrities na feeling happy and inspired sa mga post ni Michelle ay sina Tanya Garcia-Lapid at Maxene Magalona.

Matatandaang sa isang vlog ni Michelle ay ibinahagi niya sa publiko ang mga pinagdaanan niyang challenges noong mag-file sila ni Troy ng divorce.

“Sometimes it’s hard when you’re going through a divorce and you know what comes with it.

“My only worry is once I move out and do the fifty-fifty parenting, it will be a huge transition. I don’t think Anika fully understands what’s going on.

“She has an idea, and kids are very smart, they can feel the energy around the house. So far, she’s okay,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/287302/michelle-madrigal-sa-pagbabati-nila-ng-ina-makalipas-ang-ilang-taon-time-heals-all-wounds-talaga

https://bandera.inquirer.net/292411/sunshine-pabor-sa-divorce-napakaplastik-ko-naman-kung-sasabihin-kong-marriage-is-forever
https://bandera.inquirer.net/304720/michelle-madrigal-payag-pa-ring-magpakasal-kahit-nawasak-ang-unang-kasal-love-is-love
https://bandera.inquirer.net/316182/tom-rodriguez-carla-abellana-divorce-na-it-was-not-a-perfect-relationship-but-we-both-know-how-much-we-loved-each-other

Read more...