Ely Buendia hindi nga ba sisiputin ang Eheads reunion concert kung hindi maaayos ang isyu ni Marcus Adoro?

Ely Buendia hindi nga ba sisiputin ang Eheads reunion concert kung hindi maaayos ang isyu ni Marcus Adoro?
ILANG TAON nang nag-aabang ang madlang pipol at finally matutuloy na nga rin ang reunion concert ng Eraserheads na binubuo nina Ely Buendia, Raymond Marasigan, Buddy Zabala, at Marcus Adoro.

Nitong Lunes, Setyembre 19 nang kumpirmahin ng banda ang kanilang nalalapit na concert reunion na magaganap sa Disyembre 22, 2022.

Ngunit kasabay ng pag-trending ng balita matapos ang pa-teaser nina Ely ay ang pag-trending rin ng pangalan ng isa sa kanilang miyembro na si Marcus.

Muli kasing nabuhay ang balita sa kanyang diumano’y pambubugbog nito sa kanyang anak na si Syd Hartha at dating partner na si Barbie Ruaro. Nagsalita naman ang dalawa ukol sa isyu at nagpasalamat sa lahat ng mga taong hindi nakalimot sa kanilang naranasan.

At dahil nga rito ay marami ring nadismaya dahil sa pagiging tahimik ng iba pang miyembro ng Eraserheads patungkol sa isyu at may mga nag-iisip rin na “enabler” daw ang mga ito at kunsintidor.

Naglabas naman ng pahayag si Ely patungkol sa isyu na nakaaapekto sa kanilang magiging concert sa Disyembre.

“One of Ely’s non-negotiable conditions prior to signing was precisely that Marcus resolve his issues otherwise Ely would not work with him,” saad ng manager niya na si Diane Ventura sa panayam niya sa ANCX.

Dagdag pa niya, “This was promised by Marcus’ management which was why we even reconsidered.”

Pagpapatuloy ng manager ng dating bokalista ng banda, “To call Ely an enabler is categorically false and absurd. We do not condone abuse that is absolute. We acknowledge the pain and suffering of the parties involved and we seek accountability.”

Sa kabila nito ay susubukan raw nilang gumawa ng hakbang para mapag-ayos ang mga kampong involve sa isyu.

“However, we will do what we can to encourage peace, resolution and will never get in the way of possible reconciliation or second chances between families. We are hoping for good to come out of this,” sey pa ng manager ni Ely.

Matatandaang 2019 nang lumabas ang isyu ng pang-aabuso ni Marcus sa anak at dati nitong partner matapos magdesisyon ang mga ito na ibahagi sa social media ang ginagawa ni Marcus sa kanila.

Ikinuwento ni Syd ang pananakit sa kanya ng sariling ama sa harap ng ibang tao at ang mga hindi magandang sinasabi nito sa kanya sa chat habang ibinahagi naman ni Barbie ang mga larawan ng pambubugbog at pananakit sa kanya ng pisikal ng dating gitarista ng banda.

Related Chika:
Miyembro ng Eraserheads inireklamo ng netizens, wag daw isama sa reunion concert

Sey ni Ely, Eraserheads reunion posibleng mangyari: Pag tumakbo si Leni…

Isa pang member ng Eraserheads sumang-ayon kay Ely: I’m sorry if I’m breaking hearts…

Ely Buendia inulan ng batikos matapos amining never naging ‘friends’ ang Eraserheads

Read more...