RAYMART walang balak patawarin si CLAUDINE, tuloy ang giyera sa korte

Kahit makipag-ayos si Claudine Barretto, mukhang desidido na si Raymart Santiago na ituloy ang kaso hanggang sa lumabas ang katotohanan. Wala na rin daw balak makipagbalikan ang aktor sa dating asawa.

Inamin ni Raymart sa isang interview na hanggang ngayon ay parang binabangungot siya sa nangyayari sa kanila ni Claudine, ni sa panaginip ay hindi niya inakalang aabot sila sa ganitong sitwasyon ng aktres.

Nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon at umiiyak, lalo na kapag naaalala niya ang kanyang dalawang anak. Kaya umaasa siya na darating din ang araw na makakapiling niya ang mga ito.

Tungkol naman sa kaso, unang pasabog pa lang daw ang mga ebidensiyang ibinigay niya sa korte, kumbaga depensa pa lang ‘yun sa mga akusasyon sa kanya ni Claudine at hintayin na lang daw ng kampo ng aktres ang kanyang mga opensa.

Sey pa ng aktor, “Lalabas naman lahat ‘yan sa korte. As much as possible, ayoko nang idetalye pa. Pero sabi ko nga, sana inayos na lang namin ito privately.”

Hinahanda na rin daw ni Raymart at ng kanyang abogado ang pagsasampa ng annulment case. Aniya, pinakasalan niya si Claudine at inisip na habambuhay silang magsasama at hindi niya akalain na sa ganito pa sila magtatapos.

Sa ngayon, bukod sa pag-attend sa hearing ng mga kaso nila ni Claudine, magiging busy si Raymart sa bago niyang teleserye sa GMA, ang remake ng seryeng Villa Quintana.

( Photo credit to Google )

Read more...