Bandera "One on One": Mark Herras | Bandera

Bandera “One on One”: Mark Herras

|May 31,2010
facebook
share this

Bandera “One on One”: Mark Herras

- May 31, 2010 - 02:00 PM

Interview ni Dinno Erece, Photos by Ervin Santiago

LUMI-LEVEL na si Mark Herras sa main leading men ng GMA.
Magsisimula tonight ang Langit Sa Piling Mo sa GMA starring Heart Evangelista, JC Tiuseco, Daniel Matsunaga at si Mark. Kahit tatlo ang leading men ni Heart, it is very clear na si Mark ang main partner ni Heart from the billboard to the AVP so the press are unanimous in saying na ka-level na ni Mark sina Richard Gutierrez, Dingdong Dantes at Dennis Trillo with this soap. Heart’s last partners in her projects were Richard and Dennis.

BANDERA: Elevated ka na sa main leading man status, ano’ng feeling?
MARK HERRAS: Anim na taon din naman po ang hinintay ko. Actually, marami na rin akong pinagbidahang soap lalo na kami ni Jennylyn Mercado, pero yes ito ang first time ko na maka-partner ang isa sa main leading ladies ng GMA.

B: Pero from the start, alam n’yong working partnership lang kayo ni Heart na hindi lalagyan ng romantic angle? Alam kasing may boyfriend na siya at ikaw rin may Ynna (Asistio) na?
MH: Kaya nga po maganda. Hindi na namin kailangang gumimik, hindi na kailangang gumawa ng kung anu-anong issue para lang ibenta ‘yung loveteam.

B: Sabi ni Heart sa interview namin sa kanya, nagseselos pa rin ang boyfriend niyang Ian Dy kapag may kaeksena siyang lalaki. Si Ynna ba nagseselos din?
MH: Mas nagseselos si Ynna sa mga ex ko. Kay Heart wala, excited pa nga siya, e. Pero hindi ko siya pinapapunta sa set para wala na lang gulo.

B: Speaking of set and Heart, ano yung issue na nag-walkout ka raw sa taping n’yo?
MH: Hindi po totoo yun, miscommunication lang talaga yun. Ang nangyari kasi, pinaalis na nila ako sa set kaya akala ko tapos na ako. Nang nalaman nilang may eksena pa pala ako, nasa Manila na ako at Subic ang location naming, so ako na ang tineks nila na baka hindi na ako makaabot kung babalik pa ako.

B: Na-quote ka pa ng isang showbiz talk show na pagkahaba-habang litanya in English.
MH: Unang-una, hindi puwedeng ako ang nagsabi nu’n dahil full English (sabay tawa). Saka isa pa, hindi naman ako palasalita. Kung magwu-walkout ako, magwu-walkout lang ako pero hindi na ako mag-iiwan pa ng mga salita, tapos English pa (tawa ulit)!

B: Pero okay na kayo ni Heart?
MH: Oo, okay kami. Saka hindi ito ang una naming pagsasama, ha. Sa Luna Mystika magkasama na kami. Dati duwende lang ako, ngayon may ari na ng airlines (tawa ulit). Noon pa okay na kami ni Heart, walang issue sa amin.

B: Balik tayo kay Ynna, kababasa lang namin sa kanyang tweet sa account niya na parang nagmamarakulyo siya na may pinapagalitan siyang bakit daw siya ginagawan ng masasamang issue. Is it because of your relationship na naman?
MH: Ay iba ‘yun. Kasi naman si Ynna sinasabi ko na sa kanya, ikaw tigilan mo na ang pagpasok mo sa ganyan. Ang hilig niya kasing mag- Facebook, Twitter saka Fan Page. Ako alam n’yo naman puro games lang sa Facebook ang inaatupag ko. Si Ynna, babae kasi, gumagawa ng Twitter account, may fan page pa.

B: So, tungkol saan yun?
MH: May nag-comment kasi sa kanya na tumataba siya kaya may isa pang nagtanong kung buntis ba siya. Yun, nagalit na naman. Sabi ko sa kanya talaga tigilan na ’yan hindi ko naman alam kung ano ang napapala niya diyan, nagagalit naman kapag nakakabasa ng kung ano-anong tsismis.

B: Hindi mo ba siya ina-advise?
MH: Palagi. Sabi ko sa kanya, alam ko katiting pa lang ‘yan. Wala pa sa one tenth ‘yan ng mga pinagdaanan ko noon nu’ng nagsisimula pa lang ako. Hindi naman lahat magiging fans mo. Yung iba magagalit sa iyo at gagalitin ka.

B: Ang parents niya naging artista din naman, mommy niya si Nadia. Hindi siya binibigyan ng advice?
MH: Dalawa kami na naga-advice ni tita Nads pero ayaw papigil eh. Tuloy pa rin siya sa mga Twitter at Facebook.

B: Speaking of her family, bakit palaging nasasangkot ang side ni Ynna basta pinag-uusapan ang relationship n’yo?
MH: Hindi ko rin alam. Baka kasi may hindi masaya na marami akong pamilya. Tanggap sila ng family ko, ng mommy ko, ng daddy ko, ng mga tito ko. Ako, nakakapunta sa bahay nila kahit wala si Ynna. Masaya ako ngayon, marami akong pamilyang mapupuntahan. Sana intindihin na lang nila yun.

B: Tapos may girl pa raw na nakita kayo sa Camelot Hotel. Totoo bang nag-check-in kayo du’n ng babae?
MH: Tinatawanan ko na lang din ‘yun, pati si Ynna hindi naniniwala, eh. Imposibleng mangyari ‘yun.

B: Kilala mo ba ‘yung girl?
MH: E, Starstruck V ‘yun eh kaya kilala ko siya (hindi nakapasok sa top 14 ang girl) pero para dalhin ko sa Camelot, eewww!

B: Bakit may ganoon pa ring kuwento sa iyo?
MH: Hindi ko rin alam. Kilala mo ako, palagi akong nasa FB. Bahay at trabaho na lang ako at si Ynna. Parang hindi nila matanggap na for the first time, straight ako, si Ynna lang. Dapat gagawan nila ako ng kuwento. Yung mga ganoon, inaamin ko noong bata kami ni Rainier (Castillo) dinaanan namin ‘yun, pero ang tanda ko na.

B: Paano ang Diva, babalik ka pa ba? Mapupunta na si Ynna kay Enzo Padilla?
MH: Sabi nila sa last episode daw pababalikin ako pero tingnan natin. May bago na kasi akong soap, di ba?

B: Papanoorin ba ni Ynna ang Langit Sa Piling Mo?
MH: Oo naman, excited nga siya eh. Pero hindi ko nga siya papupuntahin sa set! Bawal! Hahahaha!

B: Ano ba talaga ang meron si Ynna at halatang-halata na super love mo siya?
MH: Hindi ko alam, e. Siguro ano lang, maybe the best way to explain it, is kuntento ako sa lahat. Everything na nangyayari sa buhay ko ngayon, sobrang swak, sakto sa lahat. Kaya siguro pinoproteksiyunan ko lang, inaalagaan ko lang lahat nu’ng napupunta sa akin ngayon, lahat ng mga taong nagmamahal sa akin.
Kasi natatakot akong mawala sila, mga projects, my work, my loved ones. Hindi ako alam kung anong meron siya, pero bilib ako sa pang-unawa niya. Yung pagiging understanding niya, siguro ‘yun ‘yung isang factor kung bakit. Masaya kami, maayos kami.

B: Sa tingin mo si Ynna na nga ang babaeng makakasama mo habangbuhay?
MH: Sana, sana! Kasi lahat ng naman tayo, di ba, kung sino ‘yung nakakasama mo lagi, kung sino ‘yung nagbibigay ng pagpapahalaga sa ‘yo, gusto mo siya na talaga. Kaya, sana magtagal nang matagal na matagal. Tsaka sana mas maging strong kami pareho sa mga pagsubok na darating sa amin. We’ll try na hindi maapektuhan ng mga hindi magagandang issue na maaaring dumating.

B: May message ka ba sa mga taong naninira sa relasyon nila ni Ynna?
MH: Doon po sa mga nagkakalat ng mga maling kuwento or issue o nanggugulo sa masayang relationship ko with my family, tama na. Sana maisip nila na meron din silang mga pamilya. Hindi rin naman sila siguro maliligayahan kung sa kanila gawin ‘yung nangyayari sa akin. Maayos na ang buhay ko, ang gusto ko lang maging masaya at maging responsable. Sana tama na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bandera, Philippine Entertainment News, 053110

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending