MAY apat na kino-consider na “highlights” ang OPM icon at singer-songwriter na si Ice Seguerra sa 35 years niya sa entertainment industry.
Bukod sa kanyang kaarawan, ipinagdiriwang din ng actor-director ang kanyang 35 taon sa mundo ng showbiz at bilang bahagi ng selebrasyon, magkakaroon siya ng major-major concert.
May titulong “Becoming Ice”, mapapanood na ito sa Oktubre 15 sa The Theatre at Solaire. Siya na rin ang magdidirek nito mula sa Fire And Ice Media And Productions at Nathan Studios.
Sey ni Ice sa pagiging direktor, “Actually sobrang happy lang talaga kasi ito ang mga bagay na hindi ko in-expect na gagawin ko but it turned out that I am really enjoying it.
“So parang nagkaroon ako ng bagong fire na naman to keep on going kasi sobrang nae-enjoy lang ako sa ginagawa ko,” pahayag ni Ice sa panayam ng “Magandang Buhay.”
Kasunod nito, nabanggit nga ng singer-composer ang mga maituturing niyang highlight ng kanyang career mula noong nagsimula siya bilang child star hanggang ngayon na isa na siyang icon sa entertainment industry.
“On top of my head, I can think of four, apat, siguro. ‘Yung naging artista ako as a kid, as a child star. Ang laking bagay din nu’ng nalaos ako. Yeah, during the awkward stage. I didn’t have any projects nu’n masyado, halos wala, literal na wala talaga.
“Hindi kasi ako nagpahinga, nagtatrabaho ako pero alam mo ‘yon if you are here in the industry, alam mo na pareho pa rin ang input na ibinibigay mo, pero alam mong hindi ganoon ang appreciation ng tao na mayroon sa iyo,” lahad ni Ice.
“Pangatlo bilang isang singer. And now as a director. So I think ‘yan ang masasabi ko na parang milestones,” dugtong ng mister ni Liza Diño.
Inamin din niya na muntik na niyang iwan noon ang showbiz, “Ready na ako nu’n. Nangyari ‘yan during high school ako, I took up Music nu’ng college pero hindi ko natapos.
“Sabi ko after nito tutugtog na lang ako sa barko. It hurts eh, sobrang masakit siya when it happened. I don’t want to get hurt anymore,” chika ni Direk Ice.
Sinorpresa naman si Ice ng kanyang nanay na si Mommy Caring na siyang pumilit sa kanya na kumanta dahil naniniwala ito na may ibubuga ang anak pagdating sa pag-awit.
“Actually naaasar pa ako kay Mommy kasi ang kulit niya. ‘Kumanta ka’ eh ayaw ko ngang kumanta. Parang ‘di ko nakikita ang sarili ko as a singer.
“I mean nag-e-enkoy ako kumanta, mahilig akong kumanta na nakagitara pero hanggang banyo, kasi hello para sa akin ang singer si Regine (Velasquez).
“Ang layo, ang layo talaga. Si Mommy, talagang kinukulit niya ako. Minsan may magpo-produce ng parang mga shows sa maliliit na venue, ‘di ko pa mapupuno so lalo lang akong made-depress, na parang huwag na nating ipilit ito.
“Pero ito makulit talaga. Buti na lang makulit ang nanay ko kung hindi, patay, wala ako rito,” chika ni Ice na sumikat uli nang mag-hit ang kanta niyang “Pagdating Ng Panahon.”
Bukod kay Mommy Caring, personal ding bumati kay Ice ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez na itinuturing na rin niyang nanay-nanayan sa showbiz.
Naging close sina Sylvia at Ice nang gawin nila ang seryeng “Be Careful With My Heart.” Sabi ni Ibyang, ibang klase rin ang relasyon nila ng singer na bumibilang na rin ng taon kaya naman parang tunay na magnanay na ang turingan nila.
Nakasama rin ni Ice sa studio ng “Magandang Buhay” ang misis niyang si Liza Diño.
Narito naman ang wish niya sa kanyang kaarawan, “Siguro ang birthday wish ko lang is for the people here with me to just always be healthy, siguro kasi that part is not within my control.
“The other things that are given to me, the opportunities, I know I can make something out of that but the people I love, I jut want them to stay. So that’s my wish,” sabi pa ng OPM icon.
https://bandera.inquirer.net/323737/ice-seguerra-forever-tatanaw-ng-utang-na-loob-kay-bossing-at-sa-eat-bulaga-ito-yung-panahong-nagpupumilit-akong-mag-loveteam
https://bandera.inquirer.net/316897/mommy-caring-todo-iyak-nang-malaman-ang-pinagdaanang-depresyon-at-axiety-ni-ice-seguerra
https://bandera.inquirer.net/323167/ice-seguerra-hindi-kumpleto-ang-kuwento-ng-buhay-ko-kung-wala-si-tito-vic-sotto
https://bandera.inquirer.net/316475/pangarap-ni-ice-seguerra-na-makapagdirek-natupad-na-sa-totoo-lang-akala-ko-hindi-na-magkakatotoo