BUMUHOS ang simpatya kay Vhong Navarro na nakakulong ngayon sa National Bureau of Investigation detention center matapos mag-issue ng warrant of arrest ang korte dahil sa rape case na isinampa ni Deniece Cornejo.
Actually, nagpiyansa lang ang “It’s Showtime” host sa NBI for the acts of lasciviousness case pero bumaba na rin ang warrant of arrest niya for rape kaya siya na-detain.
Malungkot ang mainstays ng “It’s Showtime” dahil dalawang araw na nilang hindi nakakasama si Vhong. Nag-group hug nga sila for the comedian sa pangunguna ni Vice Ganda.
Nangako pa sila na ipagdarasal si Vhong para agad niyang makuha ang hustisya.
Anyway, maraming netizens ang nakisampatya sa sinapit ni Vhong at halos karamihan sa mga nag-comment ay nagsabing nabaligtad ang kanyang kaso.
“Nakakalungkot naman po nangyari kay Sir Vhong Navarro, naghahanapbuhay ng mabuti and then ganito nangyari, 2014 pa Yun nakita Ng lahat ikaw Yung pasa pasa bhong & then ngayun binubuhay na naman nila, hoping & praying maayos na ang lahat, d pa nga lubusang nakakarecover sa pandemic ginagawa na naman ng Ibang kapwa ang pagpapahirap, praying for you vhong maging maayos na ang lahat GodBless!”
“Binuhay ANG matangal ng case FOR 8 YRS, pero yong nakasagasa pinatay agad ang CASE ilang araw palang, yong may kasalanan pinawalang bisa, yong walang kasalanan dinidiin AT inaakusa. ONLY n Philippines.”
“Ikaw pa nga ang sinaktan nila pasa pasa mukha mo bakit ganito sobra ka pang ginadiin.”
“Oo nga bakit anong nangyari na ganoon na muntekan na siya paano ba nangyayari agad agad bogbog parang na napagplanohan ng kalaban.”
https://bandera.inquirer.net/324510/vhong-navarro-nakakulong-na-sa-nbi-detention-center-para-sa-kasong-rape-abogado-aapela-para-sa-piyansa
https://bandera.inquirer.net/322971/vhong-navarro-sinampahan-ng-kasong-rape-sa-taguig-komedyante-nag-react-alam-ng-panginoon-na-nagsasabi-ako-ng-totoo
https://bandera.inquirer.net/324503/nbi-inilabas-ang-mugshots-ni-vhong-navarro-matapos-ang-boluntaryong-pagsuko
https://bandera.inquirer.net/324381/vhong-sumuko-sa-nbi-matapos-lumabas-ang-warrant-of-arrest-sa-kasong-acts-of-lasciviousness-na-isinampa-ni-deniece