SIR CHIEF sawa na kay JODI, trip ‘MATIKMAN’ sina DAWN at ANNE

Kung hindi na sila ni Jodi Sta. Maria ang pagtatambalin ng ABS-CBN sa susunod niyang proyekto, gusto raw sana ni Richard Yap na maka-partner naman sina Anne Curtis at Dawn Zulueta.

Bilib na bilib daw kasi si Sir Chief sa galing ng dalawang aktres pagdating sa pag-arte. Sigurado raw ang aktor na marami rin siyang matututunan kina Dawn at Anne pagdating sa pag-arte.

Willing din daw siyang magkaroon ng kissing scene sa dalawang Kapamilya stars. Para sa amin, siguro pagpahingahin muna ang loveteam nina Jodi at Richard, for all you know, sawa na rin sila sa isa’t isa, di ba?

Hindi naman nalungkot o nanghinayang si Richard Yap na hindi na kasali ang movie version ng Be Careful With My Heart sa MMFF 2013, “Siyempre as much as possible sana gusto namin isama rin.

But the way things are going right now, hindi kakayanin eh. So for us okay na rin na hindi nasama kasi mahirap maglabas ng movie na half-baked, much better na prepared na kami and we’ll concentrate on doing that.”

“For us it is more of a relief kasi mahihirapan talaga kami, kasi mahirap pag puyat ka na, baka hindi mo rin mabigay ‘yung best performance mo,” dagdag pa ni Sir Chief.

( Photo credit to Google )

Read more...