Bakit hindi nagustuhan ni Iya Villania ang mamahaling regalo sa kanya ni Drew Arellano?

Drew Arellano at Iya Villania

MAY isang life lesson na natutunan ang Kapuso TV host-actress na si Iya Villania nang regaluhan siya ni Drew Arellano ng isang mamahaling bagay.

Naibahagi ng celebrity mom sa latest episode ng podcast nilang mag-asawa, ang “Life With The Arellanos” ang na-realize niya noong bigyan siya ng luxury bag ni Drew.

Nangyari raw ito ilang taon na ang nakararaan kung saan napagtanto nga ni Iya na hindi raw pala siya mahilig sa mga expensive na bags o sapatos at iba pang mamahaling bagay na hindi naman niya nagagamit talaga.


“You know when I realized the giving of gifts or material stuff wasn’t working for us? When I graduated and you gave me a Balenciaga purse — a red one when I graduated,” kuwento ng Kapuso TV host.

Taong 2009 nang magtapos ang misis ni Drew ng kursong Bachelor of Arts degree Major in Psychology.

At noong panahong yun, halos karamihan daw sa mga celebrities na nakakasama niya ay may bitbit na designer bags.

“I think at that time when I was in the industry, mainstream, amongst other artista who will have these Chanel bags, or whatever bags.

“So parang medyo na-influence ako na I think I want one too,” pag-amin ni Iya.

Sabi pa niya kay Drew, “You got me one; it actually didn’t make me happy.

“I felt tuloy na…I mean I appreciated that you did out of character but I felt like it wasn’t from the heart. Because it was something na I don’t know, na-force ka lang,” dagdag pang pahayag ni Iya.

Mas pinahahalagan daw ngayon ng celebrity mommy ang kapakanan ng kanyang pamilya lalo na pagdating sa health and wellness kaya naman mas nag-i-invest sila ni Drew sa mga bagay na babagay at makatutulong sa kanilang lifestyle.

“That’s when I realized material things isn’t our thing. But we like giving random things,” sey pa ni Iya.

Sa isang episode noon ng “Mars Pa More”, nasabi rin ni Iya na, “Sure na ako na hanggang ngayon ay hindi n’yo pa rin ako mapipilit na bumili ng Hermes kahit gaano pa ito kasikat dahil hindi ko rin naman siya magagamit.

“At sa totoo lang, hindi rin naman siya talaga ako. Sayang ang pera,” aniya pa.

https://bandera.inquirer.net/304451/iya-sa-anniversary-nila-ni-drew-18-years-together-8-years-married-and-still-forever-to-go
https://bandera.inquirer.net/315068/iya-villania-ipinanganak-na-ang-kanilang-baby-no-4-ni-drew-arellano
https://bandera.inquirer.net/297450/kiray-sinupalpal-ang-mga-netizens-na-nangne-nega-sa-kanya
https://bandera.inquirer.net/288735/bl-actor-na-mahilig-mag-post-ng-mamahaling-gamit-sa-socmed-dyowa-ng-mayamang-beki

Read more...