Gabby Concepcion game na game sa part 3 ng serye nila ni Sanya Lopez; pak na pak na title…’First Family’

Sanya Lopez at Gabby Concepcion

KUNG si Gabby Concepcion ang tatanungin, gustung-gusto niya talagang magkaroon ng part 3 ang love story nina President Glenn Acosta at Melody.

Feeling ng veteran actor, marami pang pwedeng mangyari sa kuwento nina Glenn at Melody pagkatapos ng super hit nilang primetime series ni Sanya Lopez na “First Yaya” at “First Lady.”

“Mas maganda sana kung may part 3,” ang sabi ni Gabby sa panayam ng GMA na kamakailan lamang ay muling pumirma ng exclusive contract sa Kapuso Network.

Marami ang nagre-request na magkaroon ng season 3 ang serye nina Gabby at Sanya at nag-suggest pa ng posibleng title ng show, ang “First Family.”

Si Gabby ang gumaganap bilang si President Acosta, na na-in love sa yaya na si Melody, na ginampanan ni Sanya. Sa part 2, naging First Lady na nga si Melody matapos pakasalan ni President Acosta.

Okay naman daw kay Gabby kung bibigyan siya ng bagong project ng GMA, “Whatever it is, I know ang mga think tank ng GMA. We have a lot of stories to tell and I’m also willing to do these challenges and willing to do the adventure.”


Pero inamin ng aktor na nami-miss na niya ang cast ng “First Lady”, “Naging close kami, ngayon lang kasi nangyari ang lock-in, mas nagiging close kayo sa isa’t isa. Nagsama kami ng dalawang taon, at ‘yung lock-in kung minsan umaabot kami ng isang buwan.”

Samantala, looking forward na mga si Gabby sa mga nakalinyang projects niya sa GMA matapos pumirma ng bagong kontrata, “I feel very special. Ako ang dapat na magpasalamat, talagang ang sarap na maging part ng GMA. 

“Thank you sa inyong lahat for the trust. Wala akong pinipiling project dahil magandang gumawa ng istorya ang GMA. Kapag nakita nilang bagay sayo ‘yung role and everything’s in place, we move forward,” aniya pa.

Sabi ni GMA Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe L. Gozon tungkol kay Gabby, “Mula sa kanyang back-to-back top-rating programs bilang President Glenn Acosta, napatunayan niya na he transcends and connects to all kinds of audiences. Gabby, lubos akong natutuwa that you continue to be a Kapuso.”

Sabi naman ng GMA executive na si Lilybeth Rasonable sa pananatiling Kapuso ni Gabby, “Gusto namin for his next project, it’s something na tatatak na naman sa viewers. We look forward to many more years of great projects and hit shows starring our Gabby Concepcion. Welcome to GMA once again!”

https://bandera.inquirer.net/279906/gabby-pinuri-si-sanya-hindi-pasosyal-walang-ere-first-yaya-trending-na-wagi-pa-sa-rating
https://bandera.inquirer.net/305180/sanya-lopez-mas-na-challenge-bilang-first-lady-ibubuking-ang-mundo-ng-mga-politiko
https://bandera.inquirer.net/288956/sanya-inintriga-ng-ina-kay-gabby-ang-tanong-niya-sa-akin-kayo-na-ba-sabi-ko-ma-wait-lang-ma
https://bandera.inquirer.net/305293/first-lady-nina-gabby-at-sanya-hindi-lang-basta-pa-cute-pakilig-its-no-joke-to-be-the-presidents-wife

Read more...