Rita Daniela lalaki ang magiging panganay na anak: My boy, you are an answered prayer…

Rita Daniela

“IT’S a boy!” Yan ang masayang ibinandera ng Kapuso actress-singer na si Rita Daniela patungkol sa sanggol na kanyang ipinagbubuntis.

Yes, kinumpirma ni Rita na lalaki ang magiging panganay nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ipinakikilala sa publiko.

Kahapon, September 18, ibinahagi ng Kapuso star sa Instagram ang gender ng magiging baby niya. Ipinost ng aktres ang photo ng naging resulta ng kanyang ultrasound.

Ang ibibigay daw nilang pangalan sa baby ay Juan “Uno” Rafael. “My boy, you are an answered prayer. My JUAN ‘Uno’ Rafael (emoji),” ang nakasulat sa caption.

Noong June 26, kinumpirma ni Rita sa Kapuso weekly show na “All-Out Sundays” na siyang nagdadalang-tao courtesy of her non-showbiz mysterious dyowa.

“I am so, so happy and proud to say that I’m soon to be a mother. Happy Mother’s Day to me.


“Wala naman po akong planong ilihim ito. I just… naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life,” mensahe ni Rita.

Nauna naman dito, pinabulaanan ng aktres ang tsismis na naghiwalay na raw sila ng tatay ng kanyang magiging panganay.


“Please don’t ever believe this nonsense and I hope that you don’t support this page and the people behind this page because it is clearly spreading fake news just to get likes and comments.

“My pregnancy journey and personal life has been private and I chose it that way.

“Wala po akong ginagawang masama sa inyo, Kapuso Celebrity. Ako ay nanahimik lamang at sana kayo rin,” mariing sabi ni Rita.

https://bandera.inquirer.net/287629/rita-daniela-ken-chan-may-sariling-diskarte-sa-paggawa-ng-love-scene-kailangang-maging-makatotohanan
https://bandera.inquirer.net/281469/roxanne-excited-na-ibinandera-ang-good-news-we-are-having-a-beautiful-boy
https://bandera.inquirer.net/316942/ken-chan-nagsalita-na-sa-pagbubuntis-ni-rita-daniela-im-so-proud-of-you
https://bandera.inquirer.net/305988/angeline-quinto-proud-na-ibinandera-ang-dyowa-at-ama-ng-kanyang-baby

Read more...