Kim napapraning kapag hindi tumatawag, nagte-text si Xian: ‘I just have to know na buhay pa siya’

Kim Chiu at Xian Lim

INAATAKE pala ng pagkapraning ang Kapamilya actress at TV host na si Kim Chiu kapag hindi tumatawag o nagte-text sa kanya ang kanyang boyfriend na si Xian Lim.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment press ang celebrity couple sa nakaraang mediacon ng reunion movie nilang “Always” mula sa Viva Films. Ito ang Pinoy adaptation ng Korean hit film na ipinalabas noong 2011.

Makalipas ang halos walong taon, muling magtatambal sa pelikula sina Xian at Kim kaya naman tuwang-tuwa ang mga loyal KimXi fans dahil pinagbigyan ni Boss Vic del Rosario ang matagal na nilang hiling.

Sa presscon ng naturang pelikula, natanong sina Kim at Xian kung ano ang “always” na nami-miss nila sa isa’t isa. Dito na nga umamin si Kimmy na may pagkapraning siya.

“Always nami-miss kapag hindi siya tatawag sa akin. Kapag hindi siya tumatawag or nagte-text, kinakabahan na talaga ako. Kasi, always kaming nagtatawagan or nagpe-Facetime or nag-a-update kung nasaan siya.

“Kapag hindi na siya nagte-text, du’n na. Kasi, wala na yung always call, e. Kapag hindi siya nagme-message, kabahan talaga ako,” chika ng aktres.


Para naman kay Xian, “Halos the same din, pero for me, specifically kapag hindi nakapag-good morning si Kim. Very important sa akin na marinig ang boses niya pagkagising namin.

“Kasi, I already know, alam ko na ang schedule ni Kim na meron siyang trabaho in the morning. 

“So, right after mamulat ang mga mata ko, parang kailangan kong marinig ang good morning niya. I just have to feel that ray of sunshine,” sabi ng actor-director.

Natatawa namang hirit ni Kim, “I just have to know na buhay pa siya!” Na sinagot ni Xian ng, “Ang sarap lang sa pakiramdam na yun ang parang pinaka-kape ko. Malakas pa sa kape.”

Samantala, napanood nina Kim at Xian ang Korean version ng “Always” na pinagbidahan nina So Ji Sub at Han Hyo Joo.
Kuwento ni Xian, “Noong nabanggit lang po ang pelikula, saka namin ni-research.

“Noong pinanood ko, inisip ko, sabi ko, parang puwede. Siyempre, hindi naman automatic na ako ‘yan. Puwedeng ako ang character ng lalaki, swak na swak.

“Pero definitely, just the consideration or opportunity na naisip ni Viva at i-cast po ako and si Kim, meant a lot to me.

“And kumbaga, nakakataba naman ng puso na sa dami po ng artists, marami pong artista ngayon, kami po ang dalawang naisip nila. Kaya sabi ko, that’s great. Parang we can work on this material,” sey ng Kapuso actor.

Sey naman ni Kim, “Noong in-offer ‘to, hindi ko pa siya napanood. Pinapanood lang nila Tita June Rufino sa akin yung movie kasi wala pa siya sa Netflix nung time na ‘yon.

“Actually, ini-offer ‘to after Love Thy Woman (ipinalabas sa ABS-CBN noong 2020) na teleserye namin. And yun nga, mahabang talakayan, umabot ng years hanggang sa nakapag-shoot nga kami this year lang.

“Pinanood ko, parang naano ko… kasi hindi pa ako nakakagawa ng ganun. Sa MMK (Maalaala Mo Kaya) siguro, kaya yun, pero sandali lang. But this time, sa isang pelikula, parang kaya ko naman sigurong aralin.

“And never akong nabibigyan ng ganitong genre ng movie so far, palaging rom-com, comedy, horror. Hindi pa ako nabibigyan ng simpleng kuwento na heartfelt lang. So, yun, na-happy naman ako,” sabi pa ng dalaga.

Naikuwento pa ni Kim kung paano pinaghandaan ni Xian ang karakter niya sa movie bilang isang boksingero.

“Noong nalaman ni Xian, the next day, nag-aano na siya (naghahanda), sabi ko, ‘Wala pa nga tayong shooting.’ Sabi ko, ‘Di pa nga natin alam kung puwede na ba akong gumawa ng movie sa Viva.’

“Sabi ko, ‘Anong nangyari sa ‘yo?’ So yun, ‘eto na kami… tapos na ang movie,” lahad pa ni Kim.

Ang “Always” ay mula sa direksiyon ni Dado Lumibao at ipalalabas na sa mga sinehan nationwide simula sa September 28.

https://bandera.inquirer.net/283503/kim-niregaluhan-ni-xian-ng-ootd-na-pang-motor-para-raw-ready-ako-umangkas-sa-kanya
https://bandera.inquirer.net/288188/kim-suportado-ang-paglipat-ni-xian-sa-gma-makakatambal-si-jennylyn-sa-unang-kapuso-serye
https://bandera.inquirer.net/317105/xian-gaza-tinalakan-si-dennis-padilla-yung-fathers-day-greeting-ay-hindi-hinihingi-sa-mga-anak-ine-earn-yan
https://bandera.inquirer.net/291998/xian-alam-ang-mga-hinanakit-at-sama-ng-loob-ni-kim-umaming-kinakabahan-kay-jennylyn

Read more...