Ricci Rivero tinamaan nang bonggang-bongga kay Andrea Brillantes; viral proposal sa UAAP season 84 may ‘sablay’

Ricci Rivero at Andrea Brillantes

UMAASA at ipinagdarasal ng mga fans na sana’y may “forever” at mauwi rin sa pagpapakasal ang relasyon nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero.

In fairness, mas marami na ngayon ang naniniwala na totoo at seryoso ang pagsasama at pagmamahalan nina Andrea at Ricci na dati’y kinukuwestiyon ng mga bashers.

Ilang buwan matapos ang kontrobersyal at nakakakilig na courting proposal ng basketball player kay Andrea, diretsahan siyang tinanong ni Boy Abunda kung feeling ba niya ay ang Kapamilya actress na ang kanyang “the one.”

“I think, Tito Boy, yes,” ang mabilis na sagot ni Ricci. 

Kasunod nito, nagkuwento ang dating UP Fighting Maroon player tungkol sa viral proposal niya kay Andrea pagkatapos ng game nila sa UAAP Season 84. 

“Du’n dapat siya sa big screen, hindi lang kami nagkaintindihan. Tapos late na, pa-start na ‘yung game,” sabi ng aktor at cager.

At dahil dito, hiniram na lamang niya ang microphone sa committee table at nag-propose nga kay Andrea na nasa bleachers noon at nanonood sa naturang basketball game.


“Yung gusto ko lang din talaga na mapa-feel sa tao na proud ka,” dagdag pang chika ng binata.

“Grabe ‘yung kaba and ‘yung excitement and all, pero ang nangingibabaw lang talaga is buo na ‘yung loob ko na gagawin ko siya no matter what.

“Minsan mapi-feel mo yung gusto mo ‘yung tao, pero minsan alam mo yung ito parang sure ka, ‘yung ganu’n. Iba lang talaga siguro ‘yung na-feel namin,” lahad ni Ricci.

Aniya pa, medyo matagal-tagal na rin daw niyang pinlano ang pagpo-propose kay Andrea, “Para siyang baril, nakakasa siya pero nakatago. 

“Yung anytime pwede ko siya gawin pero hindi ko alam kung kaya kong gawin. First time ko siya na girlfriend in public tapos ganoon pa ‘yung nangyari,” dugtong pa niya. 

https://bandera.inquirer.net/314777/andrea-brillantes-ricci-rivero-nagpapakasaya-sa-kanilang-siargao-date-bashers-tuloy-ang-pangnenega
https://bandera.inquirer.net/308329/andrea-brillantes-ricci-rivero-dating-na-ayon-sa-source-ni-mama-loi
https://bandera.inquirer.net/308070/andrea-brillantes-ricci-rivero-spotted-sa-bgc-tanong-ng-mga-marites-magdyowa-na-ba

https://bandera.inquirer.net/311882/ricci-rivero-sa-pag-convert-sa-kanya-ni-andrea-this-isnt-about-her-being-a-perfect-girlfriend

Read more...