Jason Hernandez hugot na hugot sa bagong kanta: Ito ang nakasama ko sa pinakamadilim na oras ng buhay ko…

Jason Hernandez at Moira dela Torre

FEEL na feel ng mga netizens ang bagong hugot song ng estranged husband ni Moira dela Torre na si Jason Hernandez.

Makalipas ang apat na buwan mula nang maghiwalay sila ni Moira, ni-release na nga singer-songwriter ang single niyang “Ako Nalang” na tumatalakay tungkol sa pagsisisi.

“Ito ang mga salita, linya, at nota na nagligtas sa ‘kin. Noong mga gabing nakakalunod ‘yung lungkot at nakakabingi ang pagsisisi,” ang tweet ni Jason.

“Ito ang mga tanong na umiikot sa isip ko noong mga madaling araw na nawawala ako. Ito ang awitin na nakasama ko sa pinakamadilim na oras ng buhay ko.

“Ito ang mga salita, linya, at nota na nagligtas sakin. Noong mga gabing nakakalunod yung lungkot at nakakabingi ang pagsisisi.

“Ito ang mga tanong na umiikot sa isip ko noong mga madaling araw na nawawala ako.

“Ito ang awitin na nakasama ko sa pinakamadilim na oras ng buhay ko,” ang bahagi pa ng post ng nakahiwalay na mister ni Moira.

Mapapanood na rin ang music video ng kanta ni Jason sa YouTube.

Noong May 31, in-announce nina Moira at Jason na naghiwalay na sila makalipas ang tatlong taon nilang pagsasama bilang married couple.

Inamin ni Jason na naging “unfaithful” siya kay Moira. Pahayag ng “Idol Philippines” judge, “For those of you who know my story, you can imagine the long journey of grieving and healing I have ahead of me.

“The revelations of things that happened over the last two years have been difficult. Painful. And heartbreaking to process.

“In spite of the pain I’m experiencing, let me set the record straight. While our marriage was not perfect, I have stayed true to my vows and I have never cheated on Jason,” sey pa ni Moira.
Ikinasal ang celebrity couple noong January, 2019.

https://bandera.inquirer.net/311177/moira-jason-marvin-nagkatampuhan-daw-pero-hindi-naghiwalay

https://bandera.inquirer.net/310852/moira-dela-torre-tinuldukan-ang-isyung-hiwalayan-kay-jason-marvin-hernandez

https://bandera.inquirer.net/315025/moira-nagsalita-na-ukol-sa-hiwalayan-nila-ni-jason-while-our-marriage-was-not-perfect-i-have-stayed-true-to-my-vows
https://bandera.inquirer.net/315518/moira-nagluluksa-hindi-lang-dahil-sa-breakup-nila-ni-jason-namatay-din-bestfriend-ko-may-cancer-yung-driver-ko-namatay-ang-tito-ko

Read more...