Para sa may kaarawan ngayon: Sa pag-ibig isang hindi inaasahan ngunit napaka-sarap na relasyon ang biglang mararanasan. Sa pinansyal, mag-ipon ng pera para sa biglaan at hindi plinanong pakikipag-date. Mapalad ang 7, 9, 30, 34, 40, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Aum-Harim.” Red at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) – Wag pairalin ang awa! Sa pinansyal, mas madali kang uunlad, kung isasaisantabi mo na ang emosyon. Sa pag-ibig, praktikal na desisyon ang dapat upang magkaroon ng isang maunlad at masagang pamilya. Mapalad ang 9, 18, 22, 38, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Karan-Om.” Green at brown ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Sa pinansyal, hindi baling mahal ang rekado, ang mas mahalaga, hindi makakalimutan ng kasuyo ang masarap mong ulam, sa ganyang paraan, ikaw na lang lagi ang kanyang hahanap-hanapin sa buong buhay nya. Mapalad ang 5, 19, 28, 33, 37 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Tetra Om.” Blue at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – Kung hindi masyadong naging maganda ang pasok ng Setyembre, umasa kang sa Oktubre, muling dadami ang pera. Sa pag-ibig kapag nagkapera ilibre naman ang kasuyo sa isang romantic at mamahaling restaurant. Mapalad ang 4, 10, 28, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om”. Yellow at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Sa pag-ibig, higit mong kailangan ngayon ang suprota ng iyong pamilya. Wala na talagang maaasahan sa iyong kasuyo, palitan na siya, ng isang Capricorn. Mapalad ang 2, 7, 29, 37 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Pink at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) – Pagdating sa kaibigan, ikaw ay pinakamapalad, iniisip mo kasing marami kang mga tapat at mabuting kaibigan, subalit dapat paring mag-ingat isang Leo ang manloloko sayo. Sa pag-ibig, mapalad ka sa isang Sagittarius o kaya’y Aries. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Salva-Me-Om.” Red at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – Umpiasahan ng magtipid. Huwag bumili ng mga bagay na hindi masyadong kailangan. Sa pag-ibig, matutuwa ang kasuyo, sa sandaling nalaman nyang marami ka na palang savings. Mapalad ang 8, 15, 23, 28, 33 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Navy blue at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Lagyan ng landi ang bawat araw. Sa pag-ibig, lambingin ang kasuyo ng kakaibang haplos ng pagmamahal. Sa pinansyal, kapag kumita ng maganda, bigyan ng P100 ang isang pulubi. Sa ganyang paraan lalo kang pagpapalain ng tadhana. Mapalad ang 1, 4, 25, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bhama-Yoti-Yoti-Bhama.” Gold at violet ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Sa pag-ibig, sa isang naka-uniformadong nilalang, ang magtuturo sa iyo upang muling mag mahal. Sa pinansyal, sa bagong kalakal na may kaugnayan sa tubig at lamang-dagat o lamang-ilog bubuenasin ka. Mapalad ang 6, 14, 22, 31, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Maigate-Om.” Lilac at Magenta ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Ipagpatuloy ang regular na page-ehersisyo at pagkain ng gulay atg prutas. Sa ganyang paraan, lalo kang gaganda at se-sexy. Sa pag-ibig, masarap na romansa ang magpapalakas ng immune system. Mapalad ang 6, 17, 23, 26, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Halka-Tetra.” Blue at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) – Iwasan ang mga taong mainitin ang ulo ipapahamak ka lang nila. Sa mga mababait ka lang makipag-transaksyon upang hindi ka ma-racket. Sa pag-ibig, piliin ang isang nilalang na tahimik at mahusay magdala ng damit. Mapalad ang 7, 11, 26, 35, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Speculum-Om.” White at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Sa sandaling nagkapera ng malaking halaga, ilihim mo lang. Sa ganyang paraan hindi ka mauutangan. Sa pag-ibig wag pilitin ang kasuyo magkakagalit lang kayo, hayaan mong bumigay ng kusa. Mapalad ang 2, 11, 26, 28, 34 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Jahur-Jahur-Veda”. Blue at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – Sa pag-ibig, ang pagtatampo ng kasuyo ay lilipas din. Bigyan siya ng regalong hindi nya malilimutan. Sa pinansyal, wag sumama ang loob sa mga kaibigan, ganon talaga ang mga pangkaraniwang tao nabubuhay sila ng pera-pera lang!” Mapalad ang 9, 15, 25, 29, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Kaliyuga-Jana.” Violet at maroon ang buenas.
HOROSCOPE September 29, 2013
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...