MANANG-MANA sa ama at ina! Yan ang nagkakaisang komento ng mga tagasuporta nina Marian Rivera at Dingdong Dantes patungkol sa panganay nilang si Xia Dantes.
In fairness, sa murang edad ng bagets ay napakarami na niyang talento na obviously ay nakuha niya sa kanyang celebrity parents na itinuturing na Royal Couple ng GMA Network.
Nakakabilib nga ang pagiging certified talentado ni Xia na inaasahan ng lahat na siyang magmamana sa trono ng kanyang inang tinaguriang Kapuso Primetime Queen.
Kamakailan lamang ay nagkuwento si Marian tungkol sa horseback riding experience ni Zia na pinusuan at ni-like ng mga netizens.
Nag-post ang misis ni Dingdong sa social media ng mga litrato ni Zia habang nagho-horseback riding sakay ng kabayong si Floris.
Aminado ang TV host-actress na kinabahan siya ng slight habang pinanonood ang pangangabayo ng anak na super nag-enjoy sa kanyang outdoor activity.
“Sobrang nag-eenjoy siya. At sabi nga nung owner nung kabayo na parang, ‘may koneksyon si Zia at saka ‘yung horse’ talaga, which is a good sign na alam mo ‘yun nage-enjoy sila together,” ang chik ng Kapuso actress sa panayam ng “24 Oras.”
Nauna rito, kinaaliwan din at umani ng nakakatuwang komento mula sa netizens ang TikTok video nina Zia at Dingdong kasama ang bunsong anak nila ni Marian na si Sixto.
Mapapanood sa video ang mag-aama habang nagdya-jam sa classic hit ng The Beatles na “Ob-La-Di, Ob-La-Da”. Meron na itong milyun-milyong views sa TikTok.
Ang inilagay na caption ni Marian sa nasabing video ay, “Ob – La – Di, Ob La Da. Sarap nyo panoorin haaaay. Love you Dada, Ate Z & Six – Hintayin nyo sa susunod kasama na ako. #dantessquadson, #marianriveradantes.”
Sabi naman ng Kapuso Primetime King, masaya siya na gusto ng mga anak niya ang mga classic songs, “Nakakatuwa, dahil mahilig sila sa old songs, mga talagang classic songs.”
Sey naman ni Marian, “Especially si Zia! Actually, si Zia talaga ‘yung mahilig kumanta na kinukulit talaga niya ‘yung daddy niya na turuan siya. And then naririnig siya ni Sixto. Itong si Sixto, ginagaya niya si ate niya. So, kaya nakaka-jam silang tatlo.”
https://bandera.inquirer.net/286244/bakit-isinasama-ni-dingdong-si-zia-kapag-nagbo-voice-over-siya-sa-amazing-earth
https://bandera.inquirer.net/307349/marian-payag-na-sa-faceface-classes-ni-zia-gusto-kong-matuto-talaga-siya-ng-totoong-buhay-sa-labas
https://bandera.inquirer.net/302656/pia-nagka-covid-na-binanatan-pa-kilabutan-kayo-sa-mga-sinasabi-nyo-sana-di-nyo-maranasan-to
https://bandera.inquirer.net/299115/dingdong-malungkot-sa-6th-b-day-ni-zia-pero-nag-promise-sa-anak-sana-maintindihan-mo-si-dada