Jennica Garcia malalim ang hugot sa nabiling soup: Sa picture ang dami pong buong mushroom, pero nu’ng niluto mo wala naman po…

Jennica Garcia

TAWA kami nang tawa nang mabasa namin ang isang Instagram post ng aktres at celebrity mom na si Jennica Garcia na may kinalaman sa mushroom.

Nagbahagi kasi ang Kapuso star ng naging experience niya sa pagbili ng mushroom soup sa isang grocery kamakailan.

Isang maikling video ang ipinost ni Jennica sa IG kung saan makikitang tinitikman niya ang nilutong soup. Aniya sa caption, “YUNG BUMILI KA NG MUSHROOM SOUP SA GROCERY… 

“Sa picture ang daming po buong mushroom, pero nung niluto mo wala naman po.

“Pero bigay po natin sa brand na lasang mushroom naman po talaga.

“Hindi niyo nga lang po makikita.

“Bali IMAGINE lang po natin na may mushroom po,” ang hugot ng Kapuso actress sa nilalafang na soup.”


Agad napa-react ang nanay niyang si Jean Garcia, “Dito sa house honey maraming mushroom, bigyan kita, dalhin mo dito yang mushroom soup mo hihihiii! Amishuuuuu ‘Nak!”

Narito pa ang ibang comments ng IG followers ni Jennica.

“Kapag bibili ako nang mushroom soup bumibili talaga ako nang small can nang mushroom. kasi walang laman powder lang po.”

“Ok lang po yan.. yung iba nga kahit paramdam lang wala… nye!”

“Gawa ka na lng homemade mas msrap pa gnon gngwa ko evry time mag request fam ko.”

“Dapat kinuha ka ng mushroom soup company mag advertise. You made eating mushroom looks attractive.”

“At least masarap nman.lasang mushroom talaga.fav ng anak q.”

“Hahahaha! So next time Nic, bumili ka na din ng isang can ng mushroom para true na.”

“Ate, bumili ka na lang po ng bagong grocery store yung nagtitinda ng mushroom soup na may mushroom.”

“@jennicagarciaph parang sa electronic na laruan lang – battery not included. Sa soup mo – mushroom not included, buy separately.”

https://bandera.inquirer.net/301472/alwyn-gumawa-ng-tula-para-sa-36th-birthday-ni-jennica-wala-akong-kapangyarihan-para-angkinin-ka

https://bandera.inquirer.net/281513/nakakaloka-ang-pa-house-tour-ni-kiray-sa-tagaytay
https://bandera.inquirer.net/292552/reaksyon-ni-ate-vi-nang-isilang-si-luis-bakit-ganito-itsura-parang-malaking-daga
https://bandera.inquirer.net/285571/alam-nyo-bang-dapat-ako-ang-magho-host-ng-starstruck

Read more...