9 talentadong kabataan patibayan, paistaran sa online reality show na ‘Socmed House’ ng KSMBPI

Ang 9 na contestants sa online reality show na ‘SocMed House’

DISKARTE. Talento. Pakikisama at sipag. Yan ang ilan sa mga panglaban ng mga contestants sa online reality show na “SocMed House” mula sa Kapisanan ng mga Social Media Broadcaster ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI).

Nakilala namin ang unang batch ng  housemates nang bisitahin namin sa kanilang locked-in set for their workshop among other things sa ilalim ng award winning director na si Jeremiah Palad.

Korek ang sinabi ng may pakana ng nasabing reality show sa kanyang adbokasiya na si Dr. Michael Aragon na magbigay ng libreng workshop para sa mga tatanghaling bagong mga alagad ng sining ng kanilang panahon.

Ang nais mangyari ni Doc Aragon ay maibalik ng mga housemates sa industriya ang pagbabahagi ng kanilang matututunan kapag sila’y nagkaproyekto na sa pelikula at TV.

Mukha namang may ibubuga ang siyam na hopefuls na nakausap namin na naglaban-laban sa “SocMed House” ni Direk Miah (Jeremiah Palad).

Iba’t iba ang karakter ng bawat isa nagmula sa iba’t ibang uri ng pamumuhay pero iisa lamang ang layunin ng pagsali nila sa “SocMed House” — ang magkaroon ng pagkakataong makaarte sa harap ng mga camera.

Masayang-masaya naman si Doc Aragon dahil alam niyang hindi siya mapapahiya sa kanyang layuning magpakilala ng mga bagong talents na hindi lang cetificates ang maipagmamalaki na nag-graduate sila sa libreng workshop.

Sila na rin kasi ang mga bibida at eeksena sa mga gagawing proyekto nina Direk Miah at Doc Aragon na pwedeng isali sa mga film festival here and abroad. At pagbibigay daan na rin sa iba pang indie filmmakers na ang mga graduate na sa workshops ang magsisisalang.

Napapanood ang “SocMed House” sa KSMBPI Online, sa DWBL 1242 KHZ AM radio at sa kanilang YouTube channel.

Abangan na rin ang Jazz Clean Air Band na matutunghayan sa mga programa ng KSMBPI Online, idagdag pa ang kaabang-abang at masayang chikahan sa “Showbiz Kapihan” kasama ang ilang entertainment editors at veteran writers.

https://bandera.inquirer.net/287619/chito-wais-din-sa-pera-tuluy-tuloy-ang-kita-kahit-hindi-na-magbanda

https://bandera.inquirer.net/321954/maris-racal-gustong-ipag-produce-ng-pelikula-ni-ksmbpi-chairman-michael-aragon-magbibigay-din-ng-libreng-training-sa-vloggers
https://bandera.inquirer.net/168/from-magic-to-reality
https://bandera.inquirer.net/285394/acrobat-halikan-nina-derek-at-ellen-bentang-benta-sa-socmed-hati-ang-reaksyon-ng-netizens

Read more...