INISA-ISA ng Kapuso actress at singer na si Mikee Quintos ang mga katangiang nagustuhan niya sa kanyang boyfriend na si Paul Salas.
Nagbahagi ang dalaga ng ilang detalye tungkol sa relasyon nila ni Paul na napapanood gabi-gabi sa GMA primetime series na “Lolong” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.
Kuwento ni Mikee, una silang nagkalapit ng loob ni Paul nang magkasama sila sa fantasy-romance series na “The Lost Recipe” na ipinalabas sa GTV noong 2021.
“Naging close kami doon, doon namin nakilala ang isa’t isa. We started dating four months after the show ended,” pahayag ng aktres sa isang panayam na mapapanood sa Sparkle YouTube channel.
Dito, natanong nga si Mikee kung anu-anong qualities ang nagustuhan niya kay Paul.
Sagot ni Mikee, “Kapag pinanood niya ‘to kikiligin siya. Feeling ko. Ha-hahahaha!”
“When people ask kung ano ang nagustuhan ko sa kanya, it’s how quiet his love is, and the way kung paano siya mag-observe, thats how you see his affection.
“Bago ko pa i-express out loud yung need ko, ibibigay na niya kasi nakikita niyang kailangan ko. Doon ako nagiging malambot sa kanya,” pahayag ng dalaga.
Nauna rito, sinagot din ni Mikee ang tanong kung paano nila hina-handle ni Paul ang mga problema o challenges sa kanilang relasyon kabilang na ang mga tampuhan at hindi pagkakaunawaan.
“I think it’s normal for every couple to argue, but we realized na mas mahirap if may side na hindi napapakinggan.
“Ever since, we try to make sure that we don’t get too emotional when we’re trying to fix something and focus on hearing each other out all the time and running away from the argument is never a choice,” esplika pa ni Mikee.
https://bandera.inquirer.net/312432/paul-salas-umamin-na-sa-tunay-na-relasyon-nila-ni-mikee-quintos-hindi-naman-kami-nagmamadali-pero-dating-kami
https://bandera.inquirer.net/281222/paul-salas-napahiya-sa-taping-gusto-na-sanang-mag-quit-sa-showbiz-sabi-ko-ayoko-na
https://bandera.inquirer.net/317717/ruru-sa-totohanang-action-scenes-nila-ni-paul-sa-lolong-maraming-beses-po-talagang-nagkasakitan-kami
https://bandera.inquirer.net/314092/paul-salas-sasabak-sa-lumang-tradisyon-ng-panliligaw-para-mapasagot-si-mikee-quinto-kung-pwede-nga-haharanahin-ko-rin-siya