Herlene sa ginagawang paghahanda para sa Miss Planet International: Diet po yung kalaban ko talaga! Nakakapraning pala!

Herlene Budol

ITLOG, itlog at itlog pa more! Yan lang daw ang kinakain ng Kapuso comedienne at beauty queen na si Herlene Budol kapag siya’y nagda-diet.

Sa darating na Nobyembre rarampa at lalaban na ang komedyana sa 2nd Miss Planet International pageant na gaganapin sa Kampala, Uganda.

Kaya naman talagang kakaririn daw niya ang preparasyon para sa naturang pageant, kabilang na ang pagda-diet at ang pagsasanay sa magiging signature walk niya on stage.

“Mag-i-start na po ako (maghanda). Kasi, nanghihingi po ako ng 15 days na hindi diet,” ang pahayag ni Herlene sa naganap na mediacon ng Rejuviant last September 7, ang bago niyang endorsement.

Inamin ng Kapuso host-actress na bukod sa kanyang training para sa pasarela, isa pa sa pinakamahirap daw gawin ay ang pagbabawas sa pagkain.

“Kasi, diet po yung kalaban ko talaga. Nakakapraning pala pag puro ka diet. Di ba, buto’t balat ka na, may ikaka-diet ka pa ba dito?!

“Yun yung kalaban ko talaga! Kasi, nakakapanghina, nakakapraning, nakakaluto ng utak!” sey ni Hipon Girl.

At kapag daw nagdidiyeta siya, ang tanging kinakain niya ay, “Wala. Itlog-itlog lang! Payag ka, itlog lang? Tapos yung utot mo, amoy itlog na rin!”


May nagbiro naman sa kanya na keri lang ang medyo nagsakripisyo at mahirapan siya kung ang kapalit naman ay ang kanyang tagumpay at maraming pera.

Sagot ni Herlene, “Mamamatay ka naman sa gutom. Sabi ng lola ko dati, nung nabubuhay pa, ‘Di baleng mamatay ka sa busog, huwag lang sa gutom, e!’

“Dilat ang mata mo, kagaya nito?!” chika pa ng Kapuso star.

Pero ano nga ba ang mga nilafang niya sa 15 days na tigil-diet? “Nag-unli rice ako du’n sa Mang Inasal. Pero hindi, ang galing nga, e. Hindi mo na kayang kumain ng madami.

“Akala ko dati, sabi ko, ‘Pagkatapos talaga nitong Binibini, kakain talaga ako ng madaming pagkain!’ Pero nu’ng kumain ako, siguro naka-isa’t kalahating kanin lang ako. Sayang yung bayad ko.”

“Naku, kapag nakita mo ang mga kuya ko, malalakas kasi kumain talaga. O, 5’11”, 5’10.

“Kapag nagkainan kami, nanay ko lang, pandayo yun, e! Ngayon, mahina na akong kumain. Mga kapatid ko na lang,” chika pa ni Herlene.

https://bandera.inquirer.net/314425/herlene-budol-binabatikos-ng-mga-netizens-i-love-the-duality

https://bandera.inquirer.net/311425/ang-probinsyano-posible-nga-bang-magtapos-ngayong-taon

https://bandera.inquirer.net/307871/nadine-kinakarir-ang-pescatarian-diet-nagbabala-sa-fans-tungkol-sa-tema-at-kuwento-ng-greed
https://bandera.inquirer.net/318872/chie-filomeno-walang-arte-sa-pagpapakita-ng-seksing-katawan-nag-water-diet-pero-hindi-epektib

Read more...