MAHIRAP nga bang katransaksyon si Matteo Guidicelli?
Ito ang napag-usapan nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa programang “Cristy Ferminute” sa Radyo5 92.3 News FM ngayong araw.
Bungad ni ‘Nay Cristy, “Romel bakit laging nasusulat na mahirap katransaksyon at kausap si Matteo Guidicelli? Siguro ito ‘yung sa GMA na dapat gagawin niyang mga programa, ano?”
“Opo Nanay, di ba napabalita na magkakaroon siya ng TV show doon? Meron din akong naulinigan Nanay na ‘yung mga gusto raw niyang pasuking mga TV show, e, may mga nagmamay-ari na,” paliwanag ni Romel.
“Ah, kung baga ‘yung mga pinitch niya kunwari travel show meron na? So, parang walang maisara ‘no? Parang may mga katulad na saka marami siyang hinahanap? At saka masyado raw magastos yata ‘yung mga pini-pitch niyang mga programang gusto niyang gawin.
“So, ganu’n ang kuwento na may kahirapan daw kausap si Matteo Guidicelli. Perfectionist din kasi itong batang ito, eh,” say naman ng batikang manunulat at host.
Sabi naman ni Romel, “Ang hirap n’yan ‘Nay kasi una pa man hindi ka pa nakakapasok marami ka ng hinahanap at marami kang gusto, parang nakakatakot sa simulang pagpasok mo.”
“Lalo na sa mga panahong ito na kabubukas palang ng mga sinehan. Ang teatro ngayon palang nabibigyan ulit ng pagkakataong na mag-live sila.
“Sana magkasundo sila (GMA at Matteo) sa isang proyekto ng tuluyang gagawin na talaga ni Matteo,” paliwanag ni Nanay Cristy.
Bukas ang BANDERA sa panig ng GMA at ni Matteo o ng kampo ng mister ni Sarah Geronimo.
* * *
Sa YouTube channel ng TV5 namin napapanood ang kuwento ng mag-amang Aga Muhlach as Jimmy Boy at Elijah Canlas bilang si Dos sa movie seryeng “Suntok Sa Buwan.”
Sumisikat na boksingero si Elijah pero kailangan niyang ibenta ang laban niya sa halagang beinte mil para mailabas sa kulungan si Aga at maipagamot na rin dahil may kanser ito. Sa kasamaang palan, na hold-up ang aktor at natangay ang perang dala-dala.
Sa mga nakilalang boksingero ng ating bansa na hindi nakaipon ay malamang ganito ang kuwento ng buhay nila na hindi na lang pinangalanan ng nagsulat ng “Suntok sa Buwan” kung sinu-sino sila.
Heartwarming ang kuwento ng mag-amang Jimmy Boy at Dos kaya pala tinanggap ito ni Aga dahil maganda ang script.
Samantala, isa pang humahataw na programa ng TV5 ay ang “Oh My Korona” dahil ang bida nitong si Maja Salvador ay tuloy-tuloy din ang ganap.
Inanunsiyo nang mapapanood na sa Netflix ang pinagbidahang teleseryeng “Wildflower” nina Maja at RK Bagatsing simula pa noong Setyembre 9.
Maaalalang dito unang nasubukan ang chemistry nina Maja at RK kaya naman natuwa ang fans ng kanilang tambalan na nagsama ulit sila sa “Oh My Korona” ng TV5.
Speaking of ganap, riot na naman ang kaganapan sa Korona Residences at mamagitan na naman ang karakter ni Maja na si Lablab para maayos ang problema ng tenant na si Kobe (Thou Reyes) sa kanyang Mama Belen na patuloy pa ring itinuturing na bata ang dating child actor na aspiring rapper na ngayon.
All’s well that ends well na nga ba sa mga residente ng Korona Residences? Yan ang dapat abangan sa mga susunod na kaganapan sa “Oh My Korona” ng TV5.
https://bandera.inquirer.net/321313/matteo-guidicelli-pinagsabihan-si-alex-gonzaga-irespeto-natin-ang-mga-asawa-natin
https://bandera.inquirer.net/306981/matteo-solid-popster-pa-rin-kahit-asawa-na-si-sarah-i-am-very-very-proud-of-you
https://bandera.inquirer.net/321284/matteo-guidicelli-lilipat-na-sa-gma-magiging-host-ng-unang-hirit
https://bandera.inquirer.net/312763/sarah-geronimo-matteo-guidicelli-walang-ineendorsong-kandidato-kumakalat-na-video-fake-news