Neri ibinandera uli ang pagiging Popster: ‘Saraaaaaaah! Pangarap kong magkaroon ng picture kasama ka!!!’

Sarah Geronimo at Neri Miranda

MULING ibinandera ng actress-entrepreneur at tinaguriang wais na misis na si Neri Miranda ang pagiging certified Popster.

Sa kanyang Facebook at Instagram account, nag-post ang wifey ni Chito Miranda ng pa-shoutout para kay Popstar Royalty Sarah Geronimo.

Sa FB page ni Neri, ito ang una niyang ibinahaging mensahe,  “Kailan kaya ako magkakaroon ng picture kasama si Sarah G?”

Ni-repost niya sa Instagram ang isinulat niyang status sa Facebook at nilagyan ng caption na, “Saraaaaaaaaaaaah! Papicture please!!!! Isa sa mga pangarap ko na magkaroon ng picture kasama ka!!!” 

Umani ng sandamakmak na reaksyon ang post ni Neri at karamihan ay nagsabing isa rin daw sa wish nila ang makapagpa-selfie sa butihing asawa ni Matteo Guidicelli. Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments.

“Ako din po @justsarahgph @mrsnerimiranda sa inyong dalawa.”

“Maam @justsarahgph papicture kana kay @mrsnerimiranda isama mo na rin ako sa picture nyo.”


“Miss Neri! Kung Ano po ang kagustuhan mo na magkaroon ng picture kay Sarah G. Ganun din ang hangad ko sa buhay..Kahit man Lang sulyap.”

“@justsarahgph @matteog pagbigyan yo na si @mrsnerimiranda please… Isama niyo narin ako.”

“I think Naman na Possible Naman for you, knowing your status, Hindi Ka Naman din ordinary person,you have a famous husband in his field, you are also successful in life and a good influencer, madali na mag cross Ang path ninyo..hoping for you na ma achieve mo Yan pangarap mo na makapag pic ke sarah, go for it Ms. Neri.”

‘Sabihin niyo po, Sarah G. cutie!  HAHAHAHA baka po magmanifest.”

“Ako @mrsnerimiranda pangarap ko mag la picture sayo di kita matyempuhan sa tagaytay..”

“Pangarap ko nga ring magkaroon ng picture with Sir chito eh.. hehehe.”

“Papansin naman to! Lahat nalang.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpaka-fan girl ang misis ni Chito kay Sarah. Matatandaan na noong una ay ibinandera pa niya ang screenshot ng conversation nila ni Matteo. 

Sabi ni Neri, may natanggap siyang dalawang voice message noon, isa mula kay Matteo at ang isa naman ay recorded voice ni Sarah.

“Kinikilig naman akoooooo!! Tinawag akong Ate Neri ni Saraaaaaah! Close na kami! Hahahaha! Nakakakilig naman! Thank you, Matteo!” 

https://bandera.inquirer.net/312906/sarah-geronimo-may-paalala-sa-mga-botante-god-bless-the-philippines

https://bandera.inquirer.net/279461/anyare-relasyong-bea-alonzo-dominic-roque-pang-instagram-lang
https://bandera.inquirer.net/292143/kiko-biglang-in-unfollow-si-heaven-sa-ig-binura-lahat-ng-pictures-nila-together
https://bandera.inquirer.net/291183/anne-curtis-sarah-geronimo-magbabalik-pelikula-na

Read more...