INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang panukala na gawing boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa open spaces.
Epektibo ito nang ilathala na sa Official Gazette, Lunes ng hapon.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, pinirmahan ng Pangulo ang Executive Order No. 3 ukol sa naturang polisiya.
Matatandaang inirekomenda ng Inter-Agency Task Force of Emerging Infectious Diseases (IATF) na gawing boluntaryo ang pagsusuot ng face mask sa gitna ng COVID-19 pandemic noong nakaraang Miyerkules.
Hinihikayat naman ang patuloy na pagsusuot ng face mask sa mga indibidwal na hindi pa kompleto ang COVID-19 vaccine, mga senior citizen, at mga immunocompromised at may comorbidity.
Samantala, mandatory pa rin ang pagsusuot ng face mask sa mga pampribado at pampublikong mga establisyimento, kapag nasa pampublikong sasakyan, at outdoor areas na may limitadong espasyo at hindi posible ang physical distancing.
Sa nasabing EO, ipinagdiinan ng Pangulo ang hindi na paggamit ng face mask ng mga karatig-bansa sa Southeast Asia at sa buong mundo ngunit hindi kakikitaan ng significant increase sa bilang ng kaso ng COVID-19.
Ayon pa kay PBBM, sumatotal 72 milyong Pilipino na, o 93 porsiyento ng target population, ang fully vaccinated, habang 18 milyong indibidwal, o 23 porsiyento ng target, ang nakakuha na ng kanilang booster shots.
Iba pang ulat:
https://bandera.inquirer.net/319682/promise-ni-pangulong-bongbong-marcos-wala-na-tayong-gagawing-lockdown
https://bandera.inquirer.net/315348/president-elect-bongbong-marcos-tuloy-ang-pagba-vlog