NAGLULUKSA ngayon ang mag-asawang KZ Tandingan at TJ Monterde sa pagpanaw ng kanilang alagang aso na si Beau.
Wasak na wasak ang puso ng celebrity couple sa pagkamatay ni Beau na pitong taon din nilang nakasama at itinuring na rin parang tunay nilang “baby.”
Nag-post sina KZ at TJ sa kani- kanilang Instagram account nitong nagdaang weekend kung saan ibinahagi nga nila ang pangungulila at kalungkutan sa pagkawala ng kanilang pet dog.
Kalakip ng kanilang mga mensahe ang mga kuhang video at litrato ni Beau. Ang caption ni KZ sa kanyang IG post, “Beau, I’m trying to find the words to describe how I feel right now, but my love, it’s so hard.
“I just want to imagine that you’re under the couch, hiding with my socks,” pahayag pa ng singer.
Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si TJ sa biglaang pagpanaw ng kanilang alagang aso.
Mensahe ng musikero, “Why do we fall in love with dogs? when from the very start, we all know it’s a heartbreak waiting to happen.
“Well, siguro, dahil grabe yung love na nabibigay nila satin, yung loyalty, yung experience — na di na natin naiisip ang sakit na darating dahil kayang kaya itong tabunan ng pagmamahal na meron ngayon,” aniya pa.
Pinasalamatan din niya si Beau sa lahat ng taong pinagsahan nila, “Salamat sa 7 years, beau beau bear. Run free. I love you my boy.”
Wala namang nabanggit ang mag-asawa sa dahilan ng pagkamatay ni Beau.
Bumuhos naman sa comments section ng kanilang IG post ang mga mensahe ng pakikiramay mula sa kanilang mga kaibigan, kabilang na riyan ang ilang celebrities.
https://bandera.inquirer.net/290881/hugot-ni-kz-kay-tj-akala-ko-sobrang-mahal-ko-na-siya-pero-everyday-he-proves-me-wrong
https://bandera.inquirer.net/290813/bakit-ayaw-pang-magkaroon-ng-baby-nina-kz-tandingan-at-tj-monterde
https://bandera.inquirer.net/315931/kz-tandingan-wala-pang-planong-magka-baby-may-panahong-matagal-na-nawawalay-sa-asawa