LAGLAGAN kung laglagan ang naging drama nina Julia Barretto at Matteo Guidicelli nang magkaharap sila sa isang episode ng noontime show ng TV5 na “Tropang LOL.”
Naging “personalan” na ang hiritan at banatan ng dalawa tungkol sa kanilang private life sa nasabing programa ng Kapatid Network kung saan guest host nga ang mister ni Sarah Geronimo.
Si Julia kasi ang naglaro sa “Maritest” segment ng “Tropang LOL” last September 8, nang hiritan niya si Matteo tungkol sa pinag-usapang asaran nila ng co-host na si Alex Gonzaga.
Chikang tanong naman ni Matteo sa aktres at bida ng latest Viva Films offering na “Expensive Candy”, “Si Joshua nag-reply na ba?” Na ang tinutukoy ay ang ex-boyfriend ng dalaga.
Tugon ni Julia, “Hindi mo ba nabalitaan? Iba na boyfriend ko ngayon. Bumawi ka. Ibahin mo yung tanong. Ibahin mo yung pangalan. Bad yun.” Ang dyowa ngayon ni Julia ay si Gerald Anderson.
Kaya hirit ulit ni Matteo kay Julia, “Nag-text na ba si mahal mo, si Gerald Anderson?”
Mabilis na sagot naman ni Julia, “Yes. Alam mo kung ano tinanong? Sana hindi bumabanat si Matteo. Di, joke lang!”
After ng kanilang “laglagan” portion ay nag-dialogue si Matteo ng, “Gerald, I love you too. Ang tigas mo! I love you very much!” Na sinundan ni Julia ng, “Yes, hi daw to everyone!”
Kasunod nito, humingi naman agad ng paumanhin si Julia sa mga manonood, “Moving forward. Huwag ka na nga mag-create ng ano! Uy, sorry sa mga nababanggit na pangalan. We’re so out of your business, ha? Promise!”
Pero humirit pa rin ang mister ni Sarah Geronimo na na-link din noon kay Gerald, “Okay lang ‘yan. Alam mo, Gerald Anderson defined the word ghosting.”
Natigilan naman si Julia sa sinabi ni Gerald kaya agad nag-disclaimer si Matteo na nagdyo-joke lang siya. Naging kontrobersyal kasi noon ang panggo-ghosting ng aktor sa ex-girlfriend nitong si Bea Alonzo nang maghiwalay ang dalawa noong July 2019.
Si Julia ang itinurong third party sa breakup nina Gerald at Bea, pero mariin itong pinabulaanan ng anak anak nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto.
Habang nagtatawanan ang mga kasamahan nila sa “Tropang LOL”, humirit naman si Wacky Kiray ng, “Bukas viral ka na naman Matteo.
Sundot naman ni KC Montero, “Lahat ‘to kasalanan mo!”
Bigla uling sumingit si Julia at tumingin kay Matteo, “It’s not the first time I heard it, ah! You know why? The first time I heard that word, actually, may nagkuwento sa akin about Matteo Guidicelli. Pero, pero, pero! Ha-hahaba, di ba? Okay!”
Sagot sa kanya ni Matteo, “Hahaba, hahaba! Eleven minutes na lang. Actually, yung mga dati nalimutan ko na. Memory gap yata ito.”
“Yes, actually nakalimutan ko na pero ibinalik mo. Huwag na natin i-mention kung sino ginanu’n mo,” sabi ni Julia.
Nagsigawan ulit ang “Tropang LOL” co-hosts at sinabi kay Matteo na, “Hala ka!”
“Umiinit na yung studio!” natatawang sabi pa rin ni Matteo.
“Mayayari tayo kay Sarah at Gerald mamaya,” aniya pa.
Sagot naman ni Julia sa TV host-actor, “Ay, no! Hindi ganu’n yun (Gerald).”
https://bandera.inquirer.net/282140/lol-nina-billy-at-alex-sa-tv5-tinatalo-sa-ratings-game-ang-showtime-nina-vice
https://bandera.inquirer.net/321375/matteo-guidicelli-inaming-biruan-lang-ang-viral-serious-talk-nila-ni-alex-gonzaga
https://bandera.inquirer.net/319413/ano-nga-ba-ang-rason-ng-pagre-resign-ni-alex-gonzaga-sa-lunch-out-loud
https://bandera.inquirer.net/321313/matteo-guidicelli-pinagsabihan-si-alex-gonzaga-irespeto-natin-ang-mga-asawa-natin