Mga Laro Ngayon
(The Arena)
4 p.m. Letran vs JRU
6 p.m. Mapua vs
Arellano
Team Standings: San Beda (12-2); Perpetual (11-4); Letran (10-3); San
Sebastian (8-5); EAC (7-7); JRU (5-7); St. Benilde (5-8); Arellano (4-9); Lyceum (4-10); Mapua (1-12)
HAWAKAN uli ang ikalawang puwesto ang nais ng Letran Knights sa pagharap sa Jose Rizal University Heavy Bombers sa 89th NCAA men’s basketball tournament ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Ang laro ay magsisimula sa ganap na alas-4 ng hapon at sakaling manalo ang Knights, aagawin uli nila ang pangalawang puwesto na tangan ngayon ng University of Perpetual Help Altas na may 11-4 baraha.
May 10-3 kartada, ang Knights ay nanaig kontra sa Heavy Bombers sa unang labanan sa 69-66 iskor. Pero asahan na lalaban ng sabayan ang JRU para lumakas ang paghahabol sa Final Four.
Sa 5-7 baraha, kailangang maipanalo ng Heavy Bombers ang mga nalalabing laro para dumikit sa pumapang-apat na San Sebastian College Stags (8-5).
Ang Arellano University Chiefs ay magtatangka rin na manatiling humihinga sa liga sa pagharap sa talsik ng Mapua Cardinals dakong alas-6 ng gabi.