NAGKAROON ng ideya ang KSMBPI (Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc) sa pangunguna ni Dr. Michael Aragon katuwang ang premyadong direktor na si Jeremiah Palma ng pelikulang “Umbra” na gumawa ng sarili nilang reality show.
Inspired ng “Pinoy Big Brother” ang kanilang online reality show na “Socmed House: Bahay ni Direk Miah” na napapanood sa Facebook page ng nasabing organisasyon at sa KRTV YouTube channel.
Inakala ng nakararami na noong nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN ay hindi na mapapanood sa free TV ang mga programa nila katulad ng ‘PBB” na nag-click pa rin sa manonood at mas dumami pa nga ang followers at subscribers nila sa online platform.
Kaya sina Doc Aragon at Direk Miah ay naisip na magkaroon ng reality show at tinawag nga nila itong “Socmed House: Bahay ni Direk Miah”.
Sampu ang housemates per week ang titira sa Bahay ni Direk Miah at sasailalim sa iba’t ibang challenges, workshops and training.
Say ni doc Aragon, “Parang workshop na rin nila ito, tinuturuan sila ng mga techniques on how to act, kini-criticize sila, pinapa-perform sila and we’re showing it on TV.”
Ang grand winner ay ibabase sa online voting at bibida sa pelikula na ipo-produce ng organisasyon na sisimulan na agad-agad pagkatapos ng show.
“Pero lahat silang 40 housemates ay kasama sa pelikula. So, parang lahat sila, winner at sa ranking lang sila nagkakaiba,” sabi ni doc Aragon.
Advocacy daw ito ng KSMBPI head na makatulong sa mga film and media enthusiasts at i-level up ang standard ng film industry.
“This is what advocacy is all about. Conflict of interests sa amin kung isa-sign up namin sila or i-manage so pakakawalan namin sila. We will not sign up anybody. So, kung sino ang manager na gusto silang i-manage, they can do so,” paliwanag nito.
Ang 10 unang housemates ay sina Roel (43 y/o) ay free-lance talent and bouncer na nagbebenta rin ng mga air conditioner, si Marvin (34 y/o) naman ay nagtitinda sa palengke, si Clint Kenneth (31 y/o) naman ay isang cosplayer, si Kris (35 y/o) ay nagtatrabaho bilang paralegal sa isang law firm, sina Cristina (19 y/o) at Princess (18 y/o) ay parehong college students, si Rachel (17) naman ay senior high school student, si Matthew (19 y/o) naman ay nag-aaral din sa Letran at si Jason (26 y/o) ay isang free-lance talent.
Ngayon pa lang ay excited na ang mga housemates sa kanilang haharaping journey sa showbiz kaya nagpapasalamat sila sa SocMed House at sa KSMBPI sa pagbubukas ng pintuan sa kanila para matupad ang kanilang pangarap.
Ang bawa’t isa sa mga nabanggit ay gustong sundan ang yapak ng mga produkto ng PBB na ngayon ay marami ng achievements sa buhay at career.
Sino kaya ang susunod na Kim Chiu, Gerald Anderson, Melai Cantiveros, Edward Barbers, Beauty Gonzales, Matt Evans, Seth Fedelin, Anji Salvacion, Maymay Entrata at Robi Domingo sa reality show ng KSMBPI?
https://bandera.inquirer.net/321954/maris-racal-gustong-ipag-produce-ng-pelikula-ni-ksmbpi-chairman-michael-aragon-magbibigay-din-ng-libreng-training-sa-vloggers
https://bandera.inquirer.net/285394/acrobat-halikan-nina-derek-at-ellen-bentang-benta-sa-socmed-hati-ang-reaksyon-ng-netizens
https://bandera.inquirer.net/323734/ruru-madrid-binansagang-trending-king-hataw-na-sa-lolong-nagba-viral-pa-sa-running-man-ph
https://bandera.inquirer.net/279436/sb19-trending-uli-sa-socmed-kahit-naka-quarantine-bagong-music-video-viral-na