Litrato ni Agot inokray ng basher: Kaya black and white para hindi masyadong halatang ‘funeraria look’

Agot Isidro

“BEAST mode” ang veteran singer-actress na si Agot Isidro nang mabasa ang panlalait at pang-ookray sa kanya ng isang basher.

Sinupalpal ng aktres ang naturang Twitter user dahil sa nakakainsultong komento nito sa ipinost niyang litrato sa social media kamakailan.

Ibinahagi ni Agot ang kanyang black and white selfie photo sa Twitter nitong nagdaang Sabado, September 10 kung saan kitang-kita ang kanyang kilay na nakataas.

Ang isinulat niya sa caption nito ay, “So sino ang tataasan natin ng kilay today?”

Kasunod nga nito, may isang netizen ang nag-comment sa picture ni Agot at sinabing kaya raw naka-black and white ang kanyang selfie ay para hindi lumantad ang kanyang “funeraria look.”

“Kaya ginawang black and white para hindi masyadong halatang funeraria look,” ang pang-aasar ng hater.

Ni-retweet naman ng aktres at singer ang komento ng netizen kalakip ang original version (colored na) ng kanyang selfie photo.

Hirit ni Agot, “Gagu. Yan, Ikaw ang nabiyayaan ko ng taas kilay. In full color. Kasi ang idea nyo ng gwapo ay si S***** *****s!”

Hindi na sumagot sa kanya ang basher pero maraming netizens ang nambasag dito at kumampi sa kanya. Halos lahat ay nagsabing tama lang na patulan ni Agot ang hater.


Madalas laitin at bastusin ng mga bashers ang aktres pero hindi sila inaatrasan ni Agot dahil talagang binoboldyak niya ang mga ito kapag feel niyang pumatol.

“Walang pinag aralan yang si Benj, isang panatico at uto uto lang yan.”

“No clue sa name na naka censor. sino ba yang nagfe-feeling gwapo? magnanakaw ba angkan nito?”

“OK na? Kumita ka na? Haha eto replyan kita para may pangkain ka.”

“With or without make-up maganda po si Miss Agot, at maganda pa ang kalooban!”

“As if naman gwapo sya. kayo po maganda ewan ko lang sakanya, homophobic isa netong tweet eh nakita ko sya nagtitweet sa post ni father.”

“Gora mumsh! Pag walang taste wag na dapat nagcocoment sa beauty.”

“Aging gracefully sana ako din Ms @agot_isidro ganito kaganda when i reach your age hihi malapit na din I’m 54 na.”

Yan ang ilan sa mga nabasa naming comments sa tweet ni Agot.

https://bandera.inquirer.net/290739/agot-sa-mga-beki-at-lesbian-kung-nirerespeto-mo-ang-sarili-mo-rerespetuhin-ka-rin-ng-iba
https://bandera.inquirer.net/304929/kailangang-pinupuna-ang-injustices-at-social-issues-na-taliwas-sa-dapat-mangyari-itama-lang-natin
https://bandera.inquirer.net/317378/hugot-ni-agot-isidro-i-truly-hope-you-will-learn-from-the-decisions-youve-made
https://bandera.inquirer.net/297963/white-christmas-theme-ni-kim-sa-hit-na-hit-sa-netizens-never-lose-hope

Read more...