Ruru Madrid binansagang ‘Trending King’; hataw na sa Lolong, nagba-viral pa sa ‘Running Man PH’

Ruru Madrid

TALAGANG hindi pinalampas ng Kapuso viewers ang pagsisimula ng biggest reality game show ng GMA Network na “Running Man Philippines” last weekend.

Sa katunayan, humataw sa TV ratings ang programa ayon sa TAM data ng Nielsen Philippines. 

Pumalo ito ng people rating na 14.1 percent sa National Urban TV Audience Measurement preliminary/overnight data noong September 3 habang nagtala ito ng people rating na 14.4 percent noong September 4.  

Ang katapat na programa nito sa Kapamilya na “Idol Philippines” ay nakakuha lang ng people rating na 4.3 at 3.3 percent sa dalawang nasabing araw (A2Z, at Kapamilya Channel).

Hindi nga binigo ng Pinoy Runners na patawanin ang netizens at manonood sa kanilang first two episodes. 

Bukod dito, nag-trending din ang reality show sa Twitter Philippines kung saan pinakapinag-usapan ang cast members na sina Ruru Madrid at Kokoy de Santos.


Komento ng isang avid viewer, “Grabe ang ganda talaga. ‘Di ako nagkamali rito basta Running Man lalabas talaga ang galing at humor ng lahat and ibibigay talaga nila ang lahat. 

“Nakakabitin din siya actually. Anyway congrats sa inyong lahat lalo na sa ’yo Ru, gandang exposure lalo neto talaga. Lalo ka pang mag t-trend at sisikat,” aniya pa.

Perfect din ang “Running Man Philippines” para sa family bonding gaya ng komento ng isang netizen, “Grabe umpisa palang sakit na ng tiyan namin ng mga anak ko. Tawa kami ng tawa. Solid ang ganda. 

“Nakakabitin nga lang kasi Sabado at Linggo lang siya pero aabangan ko talaga ‘yan kasi idol ko rin ang Running Man Korea na lagi kong pinapanuod. See you every Saturday and Sunday, Running Man Philippines.”

Maki-join sa laughtrip at kulitan ng Runners sa “Running Man Philippines,” tuwing Sabado at 7:15 p.m. at Linggo at 7:50 p.m. sa GMA.

* * *

Talaga namang daig mo pa ang sumakay sa roller coaster sa mga makapigil-hiningang tagpo sa “Lolong” gabi-gabi.

Nitong isang gabi lang ay nawindang ang viewers nang makitang buhay pa pala si Lucas (Ian de Leon). Handa na naman nga siyang maghasik ng lagim sa ngalan ng pera.

At hindi pa man nakaka-recover completely ang viewers sa pagkamatay nina Diego (Vin Abrenica) at Tiyo Narsing (Bembol Roco), tila si Boss Abet (DJ Durano) naman ang susunod na magbubuwis ng buhay.

Grabe talaga ang init ng suporta ng publiko sa Lolong. Kaya naman patuloy ito sa pagiging number one show ngayong 2022.

Hiling nga ng viewers, Book 2 at mas marami pang mall show para raw makita nila si Lolong Ruru Madrid at ang BFF nitong si Dakila!

Yan ang ilan sa mga dahilan kung bakit tinatawag na si Ruru bilang “Trending King” dahil may “Lolong” na, may “Running Man Philippines” pa.

https://bandera.inquirer.net/316466/ruru-madrid-emosyonal-sa-presscon-ng-lolong-muntik-nang-sumuko-napilay-ako-napako-lahat-po-pinagdaanan-namin-dito

https://bandera.inquirer.net/306139/ruru-madrid-hindi-nagpa-double-sa-lolong-lahat-ng-buwis-buhay-stunts-ako-ang-gumawa
https://bandera.inquirer.net/317399/ruru-madrid-buwis-buhay-ang-mga-eksena-sa-lolong-ang-dami-kong-isinakripisyo-rito-ilang-beses-akong-naaksidente

https://bandera.inquirer.net/317399/ruru-madrid-buwis-buhay-ang-mga-eksena-sa-lolong-ang-dami-kong-isinakripisyo-rito-ilang-beses-akong-naaksidente

Read more...