MAGBIBITBIT ng interpreter si Herlene Budol sa 2nd Miss Planet International pageant na gaganapin sa November 19, 2022 sa Uganda.
Tuluy-tuloy na ang training ng Kapuso star para sa paglaban niya sa nasabing international pageant at gagawin daw niya ang lahat para maiuwi ang titulo at korona sa bansa.
“Opo, magta-Tagalog po talaga ako. Hindi nga ako nagkukunwari. Totoo nga ito!
“Hindi talaga ako marunong mag-English na isang straight-an. Ganito lang, mga ano lang, para ka lang hipon. Pisu-piso lang,” pahayag ng dalaga.
Sigurado rin daw siya na magiging pasabog ang mga isusuot niya sa Miss Planet International, “Sir Wilbert (Tolentino), paghihinalaan mo nang hindi maganda?! Ay, mima, o! Charot!
“Hindi, talagang kay Sir Wilbert ako, ano?! Kapag sinabing Sir Wilbert, hindi yun magtitipid sa mga ano, di ba? Sabi sa iyo, e!” ani Herlene nang makachikahan namin sa presscon ng bago niyang endorsement, ang Rejuviant Cocoberry body wash and lotion.
Aminado ang komedyana na nahihirapan siya sa preparasyon para sa susunod niyang laban bilang beauty queen.
“Kasi nakakapaltus-paltos ng paa, pero kinakaya naman, e. Nu’ng Binibini nga, imadyinin n’yo yun? Kahit ako, hindi ko na-imagine yun,” chika pa ni Hipon Girl.
“Akala nga po nila, it’s a prank, e! Akala ko din, e! Actually, kahit ako, nabigla lang, e.
“Di ba, sabi ko nga sa vlog ko, nung una, ang minotivate sa akin ni Sir Wilbert, bahay at lupa. Sinong tanga na hindi, ‘Uy, bhi, bibigyan kita bahay at lupa, sumali ka lang!’ O, ikaw, papayag ka, di ba?
“Di ba, ako din, yun ang mindset ko. Bahay at lupa, kapalit? Gagawin ko lahat ng puwede mong gawin, siyempre.
“Kahit naman magtrabaho ako ng 10 taon, hindi ko makukuha yung ganu’n kalaking bahay. Yun, praktikalan lang po,” sey pa ni Herlene.
Tungkol naman sa mga natutunan niya sa pagsali sa Binibining Pilipinas, “Disiplina po sa sarili. Number one po, disiplina sa sarili. Ngayon po, bawal na akong masyadong mag-pekpek shorts kapag lumalabas.”
Dugtong pa niya, “Hindi naman masama ang pekpek shorts. Kumbaga, parang ano, inaayon mo din yung ano mo, yung suot mo, yung asta mo, yung galaw mo.
“Ako nga, na-miss ko yung ganitong salita. Dati, ganu’n sa Binibini. Hirap na hirap ako, e! Mapagpanggap pala, ano? ‘Opo, opo.’ Siyempre ngayon, nilalabas ko na. Wala na, tapos na ang Binibini.
“Sa Planet na tayo, hindi na nila alam ito! Planet International na tayo, so hindi na,” diin pa niya.
Sey naman niya tungkol sa mga bashers sa social media, “Masama ba ang ginagawa kong ganito ako magsalita? Ganito kasi ako talaga magsalita. E, sabi, masyadong ano.
“Nagbabasa kasi ako ng mga comment, e. ‘Hindi ka ano, hindi mo deserve.’ ‘Hindi mo kailangang sumali diyan, ang ano ng bunganga mo!’ Ay, beh!” aniya pa.
Sa tanong kung okay lang sa kanya ang pagiging first runner-up sa Bb. Pilipinas, “Oo! At least may crown ako. Yun na yun, hindi mo na kailangang maghangad pa ng ibang bagay na hindi ibinigay sa iyo, baka hindi para sa iyo yun.
“May para sa iyo talaga. Kasi, para sa akin, hindi maliit na bagay yung first runner-up, e. Hindi maliit na bagay yung maliit kong crown. Ay! Para sa akin, ang laking bagay na dinala sa buhay ko niyan.
“Actually, parang napunan niya yung mga kulang ng pagkatao ko dati,” aniya pa.
Pahabol pang sabi ng komedyana, “Hindi na po ako sasali talaga ng Bb. Pilipinas. Closed na po yun talaga, sure na po ako talaga.
“Ah, sa Planet International na rin po siguro yung last ko. Kaya gagawin ko ulit yung best ko gaya ng ginawa ko sa Binibini. Siguro, hindi pa po yung best ko sa Binibini, pero… I did my best, but my best was not good enough,” chika pa ni Herlene na kinanta pa ang huling bahagi ng kanyang pahayag.
https://bandera.inquirer.net/322707/herlene-budol-lalaban-sa-2nd-miss-planet-international-pageant-sa-uganda-naiiyak-at-nae-excite-ako-parang-panaginip-lang
https://bandera.inquirer.net/304563/herlene-budol-hindi-kumita-sa-mga-naunang-vlogs-nakakalungkot-lang-isipin-kasi-kahit-kani-kanino-ako-nagtiwala
https://bandera.inquirer.net/320819/herlene-budol-tuloy-ang-laban-sa-international-pageant-bobo-man-sa-inyong-paningin-pero-para-sa-akin
https://bandera.inquirer.net/323629/herlene-budol-may-inamin-tungkol-kay-alden-nagka-cutting-sa-klase-para-lang-mapanood-ang-kalyeserye-ng-eat-bulaga