CERTIFIED mama’s boy ang Kapuso actor at TV host na si Mavy Legaspi kaya naman maraming mommy ang napapa-“sana all” na meron din silang anak tulad ng binata ni Carmina Villarroel.
And yes, proud na proud si Mavy sa kanyang nanay kaya naman sa unang episode ng vidcast (video podcast) nila ng girlfriend na si Kyline Alcantara na “MavLine on Me”, talagang ibinandera nila ang pagmamahal nila sa kanilang magulang.
Noong bata-bata pa lang si Mavy, inamin niyang iniisip na niya kung paano makakatakas sa anino ng kasikatan at talento ng inang si Carmina at amang si Zoren Legaspi.
Bata pa lang ay nadya-judge ng siya ng mga tao — may naririnig at nababasa pa siya noon na mayabang, maangas at walang respeto sa mga babae dahil anak daw siya ng mga artista.
Ngunit sa kabila nito, nanatiling kalmado si Mavy. Aniya, sa lahat ng ginagawa niya sa buhay palagi niyang iniisip ang mga magulang, lalo na ang nanay niyang si Carmina.
“In whatever situation, if I did this and alam ko masasaktan yung mom ko kapag ginawa ko ‘to, hindi ko yan gagawin.
“If I know I’m going to enter this certain situation or event or problem, the way I’m gonna handle it, attack it, I’m going to think, will I be disrespecting this significant other? Will I be disrespecting this woman?” paliwanag ng Kapuso star.
Mariin pa niyang sabi, “To the day that I would die, I would be loyal to my mother. I will protect her with my whole heart.
“So, if I find someone I truly care about and that I love then it is expected that the whole loyalty that I give to my mother, you will receive that ten times more,” aniya pa.
Nauna rito, nagkachikahan ang mag-ina sa isang vlog ng aktres tungkol sa pakikipagrelasyon at natanong nga niya ang anak ng, “Kunwari may nililigawan ka na, do you tell us?”
Sey ni Mavy, kung nasa ligawan stage pa lang, baka hindi muna niya ito sasabihin sa magulang, “You can make ligaw, but you won’t be interested, e.”
“Let’s say you like this beautiful girl. This good-looking someone. So liligawan mo, liligawan, meaning, you get to know the girl or person, right? So, no, I won’t say na nililigawan ko siya.
“I’ll say na kapag intresado na talaga ako. When I’m really interested. I don’t think I need to say, ‘Oh, I’m getting to know this girl,'” aniya.
Para kay Mavy, “someone doesn’t mean a “special someone yet,” “Kasi when you’re interested, that’s when you make the move na to get romantic. Kasi kung liligawan… parang more of getting to know iyan, e. It comes in different ways kasi you can make ligaw your friend, you can make ligaw a stranger.
“Kasi kapag friend mo na, you already know her na, e. You already know that person,” katwiran pa ni Mavy.
https://bandera.inquirer.net/312881/carmina-best-blessing-para-kina-mavy-at-cassy-a-mothers-love-is-a-different-kind-of-love
https://bandera.inquirer.net/323108/mavy-love-na-love-talaga-si-kyline-thank-you-for-being-that-smile-when-im-feeling-blue-thank-you-for-coming-into-my-life
https://bandera.inquirer.net/286547/si-kyline-alcantara-nga-ba-ang-mystery-girl-sa-buhay-ni-mavy-legaspi
https://bandera.inquirer.net/307867/kyline-may-3-espesyal-na-katangian-na-bet-na-bet-ni-mavy-mikael-megan-may-ipakikilalang-beauty-queen-sa-the-best-ka