“NAWALA na ako…kasi nawala na ang Diyos sa akin!” Ito ang rebelasyon ng award-winning actor na si Christopher de Leon tungkol sa naging buhay niya noong malulong sa bisyo.
Binalikan ng 65-year-old na beteranong aktor ang madilim na bahagi ng kanyang buhay nang maligaw siya ng landas ay mapariwara ang buhay.
Nangyari raw ito noong kasagsagan ng kanyang kasikatan sa showbiz kung saan kaliwa’t kanan ang ginagawa niyang pelikula.
Dumating daw yung pagkakataon na napabarkada siya at matutong gumimik gabi-gabi hanggang sa matuto na ngang gumamit ng droga.
“Naging too confident ako with myself. I started enjoying and being happy where I was. Nalululong ako sa masamang bisyo. I was taking all the drugs.
“Because of the fame, success, you have all the money. Susuweldo ka today, call up the boys, call up the gang, ‘Let’s paint the town red!’ Excessive ako sa ganu’n,” ang pagbabahagi ni Boyet sa YouTube vlog ni Amy Austria.
Inamin din niya na lumobo ang ulo niya noong panahong sikat na sikat na ang pangalang Christopher de Leon sa mundo ng showbiz.
“Nawala na ako. Kasi nawala na ang Diyos sa akin. Naniniwala ako na gagawin ko ‘to para magawa ko ‘yan. Gagawin ko ‘to, gagawin ko ‘yan para makarating ako dito,” aniya pa.
“But nothing ever prospered during that time. Mangyayari pero it will fall in the end. I crossed the line. Unfortunately, nalito na ako sa takbo ng buhay,” dugtong ng veteran actor.
Mag-asawa na raw sila ni aktres na si Sandy Andolong at may dalawa nang ang anak nang mapariwa ang buhay niya hanggang sa, “Sandy left me with the kids. I was crying with my face to the floor.
“I had to give up. I had to say, ‘God save me.’ I was kneeling down. ‘God, help me. I want to stop. I can’t get out of this addiction,'” sabi pa ni Boyet.
Ang na-realize raw niya mula nang magdesisyon siyang ayusin na ang kanyang buhay, “God is an answering God. Pag galing talaga sa puso mo, pakikinggan ka.
“He’s a merciful God. He gives you all the chances in life. Not only second chance, but third or fourth chance. His faithfulness is new every morning. His mercies never end,” mariin pa niyang pahayag.
“And then bumalik na si Sandy. Sandy went to convent to pray not only for me, but to pray for what she is going through. Nothing is impossible with God,” pagpapatotoo pa ng aktor sa kabutihan ng Diyos sa lahat ng panahon.
May limang anak sina Christopher at Sand — sina Rafael, Miguel, Gabriel, Mariel at Mica. Anak din ni Boyet si Ian de Leon sa ex-wife niyang si Nora Aunor at ang adopted kids nilang sina Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth.
https://bandera.inquirer.net/322561/billy-tinalikuran-lahat-ng-bisyo-para-sa-pamilya-hindi-na-ako-umiinom-at-naninigarilyo-nawala-rin-yung-pakikipagbarkada
https://bandera.inquirer.net/304067/award-winning-actor-bumalik-sa-dating-bisyo-3-years-nang-walang-trabaho
https://bandera.inquirer.net/321179/tekla-nakipagbalikan-sa-dating-ka-live-in-nagdadalang-tao-na-naman-ngayon-si-michelle
https://bandera.inquirer.net/306994/cristy-fermin-sa-itsura-ngayon-ni-tekla-yung-pagiging-unprofessional-nanggagaling-sa-bisyo-yan