‘Kissing scene’ nina Gelli de Belen at Cris Villanueva bentang-benta sa madlang pipol: ‘Lagot kayo kay Ariel Rivera!’

Cris Villanueva at Gelli de Belen

KINILIG ang mga televiewers sa accidental kiss between Gelli de Belen plays Margie Fajardo and Cris Villanueva who plays Capt. Rafael Rosales sa “2 Good 2 Be True” recently na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Nang magpaalam kasi si Cris matapos ang kanilang date ay tumingin palayo si Gelli at nang ibalik niya ang kanyang paningin ay aksidente namang napalapit ang mukha ni Cris sa kanya kaya aksidente niya itong nahalikan.

“May date si Tita M tonight!” That was Gelli’s caption sa kanyang Instagram post where she was in character as Margie Fajardo.

Ang daming nag-react sa photo na iyon ni Gelli. Marami kasi ang nakapanood ng episode kung saan nag-date sila ni Cris at nakita nila ang accidental kiss between them.


Hayun, kinantiyawan nila si Gelli, lagot daw ito kay Ariel Rivera. Ang daming kinilig sa “kissing scene” na ‘yun sa “2 Good 2 Be True.”

“Bat kau nag kiss as friends diba.”

“I was shooock . Ang nasabi ko “lagot kay Ariel.”

“Kilig talaga sa inyo ni Capt. Tita Marge.”

“Kinilig ako to the max sa accidental kiss ninyo ni Cap. Next time, hindi na aksidente yan ha.”

“Uy kala ko ba as friend nag kiss pa nga kayu. nagustuhan nya ayieeeeeee.”

“Miss gelli! Goodmorning from NJ!! Pa shoutout naman dyan!! Katatapos ko lang panoorin episode 20! I know, I know!! I’m way behind! Dami kzing work! Ikaw main reason bkit ako nanonood eh! Your comedic style is dope! Ibang klase delivery. Like yung niyaya ni pat si kap mag dinner sa inyo and u went ‘Baket, bertdey mo?’ Omg really gave me heartburn, laughing!!”

“Me watching 2g2bt and suddenly my 9year old son commented: Mom how come they are sooo normal as if im watching the neighbors talking, you talking to my ates, not like in other series that they over react.”

Gelli pigil na pigil ang pag-iyak sa graduation ng anak: Hindi ako pwedeng umeksena, moment niya ‘yun!

Cris Villanueva COVID survivor: Feeling ko mawawala na ako, gusto ko nang magbilin sa family ko

Ariel ibinuking ang sikreto sa 25 years na pagsasama nila ni Gelli bilang mag-asawa: I just listen to my wife, that’s it!

Kathryn, Daniel da best na role model sa mga kabataan; matulungin, marespeto, magaling makisama sa mga katrabaho

Read more...