Bakit super thankful si Janella kay Maja ngayong umaariba siya bilang Valentina sa Darna?

Maja Salvador at Janella Salvador

SUPER thankful ang Kapamilya actress at celebrity mom na si Janella Salvador kay Maja Salvador dahil sa suportang ibinibigay nito sa kanya sa pagganap bilang Valentina.

Kuwento ni Janella, talagang noon pa lang ay botong-boto na sa kanya si Maja mula nang malaman nito na siya ang napipisil ng ABS-CBN na gumanap as Valentina sa “Mars Ravelo’s Darna” na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

Sa nakaraang episode ng “Hotspot 2022”, naikuwento ng aktres na kay Maja niya unang sinabi na mag-o-audition siya para sa major-major kontrabida ni Darna.

“From the start pa lang, actually, audition ko pa lang nu’ng nag-read ako for the role, siya agad tinawagan ko. Siya ‘yung unang nakaalam na I’m gonna read for Valentina,” pahayag ni Janella.

“Sobrang supportive siya tapos after ng audition nag-send pa ako ng picture, kasi kinakabahan ako tapos ‘yung push, push, push lang siya the whole time,” sey pa ng single mom.

Dagdag pa ng aktres, “She’s one of the most caring people I know.”


Kuwento pa ni Janella, hanggang ngayon daw ay nagkakausap sila ng kanyang tiyahin at balak nga raw nilang magkita nang personal very soon.

“Nami-miss ko na siya. Ang tagal na naming hindi nagkikita pero sometimes nagkakamustahan pa rin kami but we plan to see each other soon,” aniya pa.

Huling nagkasama ang dalawa sa ABS-CBN drama series na “The Killer Bride” na umere noong 2019.

Sa ngayon, umaani ng papuri si Janella bilang Valentina sa “Darna” lalo na nang nag-transform na siya bilang babaeng-ahas na siyang magiging mortal na kalaban ni Jane as the iconic Pinay superhero.

https://bandera.inquirer.net/298086/janella-salvador-gaganap-bilang-valentina-sa-darna-series
https://bandera.inquirer.net/323127/janella-salvador-pak-na-pak-ang-costume-bilang-valentina-pero-may-bonggang-pasabog-pa-raw-para-sa-mga-vadengs

https://bandera.inquirer.net/304708/janella-na-in-love-sa-backstory-ni-valentina-sabi-ko-talaga-kailangan-ko-itong-makuha
https://bandera.inquirer.net/312480/anji-salvacion-muntik-nang-layasan-ang-showbiz-thank-god-nahimasmasan-ako-he-gave-me-a-sign

Read more...