Kris tuloy ang laban para sa 2 anak: Mahiya naman ako sa lahat ng nagdarasal para gumanda ang kalusugan ko

Kris Aquino medyo OK na ang kundisyon

Kris Aquino, Joshua at Bimby

NAPA-WOW kami nang makita namin ang latest post ni Kris Aquino kaninang bago mag-2 p.m., ang ganda na ng kulay niya ngayon at masigla na rin kahit hindi pa siya totally healed.

Sadyang inaabangan ng lahat ang update kay Kris kaya lahat ng balitang mabanggit ang pangalan ng mama nina Joshua at Bimby ay pinakikinggan, pinapanood at binabasa.

Kaya maraming nag-aalala sa huling balita ng Ate Ballsy Aquino-Cruz ni Kris na na-detect na apat na ang kanyang autoimmune disease bagay na ikinabahala ng lahat.

Bale ba ini-imagine na ng lahat kung ano na ang itsura ngayon ni Kris dahil sa nadagdag na sakit nito lalo’t ang huling viral photo nito ay ‘yung nangingitim ang ilalim ng mga mata at humpak pa ang pisngi.

Pero kami ay nagduda na dahil sa kuwento sa amin ng editor friend ni Kris na si Dindo Balares na nagtatawanan at masaya silang nag-uusap through chat. Kaya tinanong namin ang dati naming patnugot kung kumusta at okay naman daw.

Kaya nang i-post ni Kris ang larawan nilang mag-iina na nakahiga sila ni Joshua sa kama at si Bimby naman ay nakaupo sa kabilang bahagi ay kitang-kita na okay siya kahit may dinaramdam pa.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay umabot na sa 37,000 hearts at kulang 3,000 positive comments na halos lahat ay natutuwa at masaya sa nakita nilang itsura ngayon ni Kris.

Ang caption niya ay, “I didn’t want to post until I had clarity about my health situation. Maraming salamat po because I know from my Ate & friends back home that many still continue to pray that I get better.

“Tomorrow morning (our time) rest muna my left arm because tatanggalin my PICC line.


“There have been times I wanted to give up-because of fatigue & being forever bedridden; the bruises all over my body that suddenly appear; my inability(since February) to tolerate solid food; headaches; bone deep pain in my spine, knees, joints in my fingers; and my constant flares esp. in my face that just keep getting worse…

“BUT I remind myself Kuya & Bimb still need me & mahiya naman ako sa lahat ng mga patuloy na nagdarasal para gumanda ang kalusugan ko if I just give up.

“I am grateful to be blessed to have the means for us to move to another state, and have more tests done & go to other specialists; and finally start my immunosuppressant therapy.

“I was warned that the safest form of chemotherapy (I don’t have cancer) that can be used for my autoimmune conditions will make me lose my hair. Hair will eventually grow back but permanently damaged organs won’t- so dedma muna sa vanity. Happy birthday @drkatcee.

“To our new friends & guardian angels in Houston our love & gratitude is forever. Thank you Ate Rey & Christina, as well as tita Marie…” ang pahayag ni Kris.

Samantala, kinlaro ni Kris ang ibinalita ni ate Ballsy niya na bago pa siya umalis ng bansa ay tatlo na ang autoimmune niya at ang ikaapat ay nakita ng nasa Houston siya.

“Naguluhan si Ate during the zoom Q&A: to clarify we left the (emoji Philippin flag) I was already diagnosed with 3 autoimmune conditions. It was while here in Houston that I was diagnosed with a 4th. Unfortunately all my physical manifestations are pointing to a possible 5th- opo, pinakyaw ko na!

“Good night & God bless to all with #lovelovelove from Kuya, Bimb, and me,” aniya pa.

Panalangin din namin ang agarang paggaling ni Kris.

https://bandera.inquirer.net/311649/kris-tuloy-na-ang-pag-alis-sa-pinas-mahigit-1-taon-mawawala-para-magpagamot-sa-ibang-bansa

https://bandera.inquirer.net/318080/cristy-fermin-kay-kris-kung-ikaw-ay-may-matinding-sakit-bakit-nakuha-mo-pa-akong-i-text-nang-milya-milya-para-lang-sumbatan-ako
https://bandera.inquirer.net/315028/netizens-nagpakita-ng-suporta-sa-pagpapagamot-ni-kris-praying-for-her-speedy-recovery
https://bandera.inquirer.net/301031/kris-bernal-naiyak-nang-tanungin-ukol-sa-non-renewal-ng-contract-sa-gma-i-feel-like-i-was-a-failure

Read more...