Donny Pangilinan ibinandera ang ipinatatayong dream house: ‘Almost there!’

Donny Pangilinan ibinandera ang ipinatatayong dream house: 'Almost there!'

Ang ipinatatayong dream house ni Donny Pangilinan

MUKHANG malapit na ngang mabuo at matapos ang ipinatatayong dream house ng Kapamilya actor at TV host na si Donny Pangilinan.

Proud na proud na ibinandera ng ka-loveteam ni Belle Mariano ang kanyang sariling bahay na produkto ng kanyang ilang taong pagtatrabaho sa showbiz.

Nakita namin ang latest Instagram post ng young actor at ipinasilip nga niya ang kanyang bahay na under construction na.

Base sa nasabing IG photo, makikita si Donny na nakaupo sa upper level ng bahay at nilagyan ng caption na, “Almost there” na ang ibig sabihin ay malapit na nga itong matapos.

Sey pa ng 24-year-old actor, tatawagin niyang “Caso Donato” ang naipundar na property. In fairness, isa si Donny sa iilang young celebrities na nakapagpundar agad ng sariling bahay makalipas lamang ang ilang taong pagtatrabaho bilang artista.


Siguradong super proud ngayon kay Donny ang mga magulang niyang sina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan dahil sa mga na-achieve na niya sa buhay.

Marami namang nag-congratulate kay Donny matapos i-post ang ipinatatayong dream house.

Komento ni Gary Valenciano, “Happy for you, Donny!”

“Proud of you, ‘cuz,” sabi naman ni Gab Valenciano.

“Congrats mannnn!!!” sey ni Richard Juan.

Comment ni Bianca Gonzalez, “Amazing, congratulations!!”

“Iceee broooo invite me ah!” sabi ni Daniel Matsunaga

https://bandera.inquirer.net/283477/donny-proud-na-proud-sa-hes-into-her-pero-umaming-nape-pressure-dahil

https://bandera.inquirer.net/286542/bakit-malapit-sa-puso-ni-chito-miranda-ang-baguio
https://bandera.inquirer.net/296849/neri-natuwa-sa-hes-into-her-may-pasabog-tungkol-kina-chito-at-donny
https://bandera.inquirer.net/318969/sikreto-ni-willie-sa-tagumpay-hindi-ako-nagtatanim-ng-galit-wala-akong-hatred-wala-akong-bitterness

Read more...