NAPAKAINIT ng pagtanggap ng Filipino fans sa bagong South Korean girl group na Lapillus kung saan isa sa kanilang miyembro ay proud Filipina.
Ang tinutukoy namin ay si Chantal Videla na isang Filipino-Argentiniam na dati ring Kapamilya actress na nagdesisyong magtungo sa Korea para tuparin ang kanyang pangarap na maging K-pop idol.
Nakilala namin ang anim na miyembro ng grupo sa ginanap na mediacon kamakalawa na bahagi ng kanilang overseas promo tour para sa single nilang “Hit Ya!”
Ang Pilipinas ang napili nilang unang bisitahin dahil na rin sa mga kuwento ni Chantal sa kanyang mga kagrupong sina Bessie (Korean), Seowon (Korean), Haeun (Korean), Shana (Japanese), at Yue (Chinese-American).
Kuwento ni Chantal, “Hindi ako makapaniwala kasi two years na since bumalik ako dito so parang feeling ko nananaginip ako at ang sarap sa tainga pagdating namin sa airport Tagalog ‘yung naririnig ko.
“Super grateful ako and humbled kasi paglapag na paglapag namin dito ang aming mga fans ang positive nang pag-welcome sa amin,” aniya pa.
“The first reason we chose the Philippines is because we really know that we have a lot of Filipino fans supporting us,” ang pahayag naman ni Shana, ang leader ng grupo sa pamamagitan ng isang interpreter.
Dagdag pa niya, “In the dorm, we asked Chanty a lot about how the Philippines is and she said it’s a really warm country, a very energetic country. You can receive a lot of love from the fans.”
Dumating sa bansa ang Lapillus last Saturday at mananatili sila rito sa loob ng dalawang linggo para sa promo ng kanilang single. Bukod sa mga presscon, magkakaroon din sila ng mga TV guestings at photoshoots.
Nakatikim na rin daw ng ilang Filipino food ang mga miyembro ng grupo. Sabi ni Shana, “I had champorado when I arrived and I found it very delicious. Chanty also suggested I have garlic rice for breakfast and I did and it was very, very delicious.”
Sabi naman ni Yue, “Chanty introduced me to ube. I heard it from my fans, too, because of my hair color before and so I finally tried it, it was so good.” Ang tinutukoy niya ay ang kanyang purple-tinged hair.
Abangan ang fan meet ng Lapillus sa Market! Market! sa Taguig sa September 10 at sa Ayala Malls Fairview Terraces sa Quezon City sa September 11.
At sa darating na September 22, iri-release na rin ng grupo ang kanilang single album na “Gratata.”
https://bandera.inquirer.net/320023/rr-enriquez-hindi-bet-si-skusta-clee-para-kay-zeinab-hindi-naman-siya-ganun-kaguwapuhan
https://bandera.inquirer.net/288602/andrea-bet-na-bet-si-john-lloyd-feeling-ko-ang-bonggang-experience-nun
https://bandera.inquirer.net/305133/annabelle-rama-bet-na-bet-ang-special-someone-ni-ruffa-magkakampi-talaga-sila-ngayon
https://bandera.inquirer.net/305974/jc-santos-enjoy-na-enjoy-ang-pagiging-tatay-nakikita-mo-yung-nagiging-personality-niya