TAWA kami nang tawa habang pinanonood last Sunday ang fresh episode ng “The Boobay and Tekla Show” sa GMA 7.
Ang dami kasing nakakatawa at nakakalokang rebelasyon ng Kapuso actress na si Rhian Ramos tungkol sa kanyang career at personal life.
Hindi inurungan ng dalaga ang quiz segment ng “TBATS” na “How Well Do You Know… Rhian Ramos,” kung saan ibinandera nga ng aktres ang ilang bagay tungkol sa kanya na hindi pa alam ng publiko.
Isa sa mga question na ibinato kay Rhian ay kung ano ang pinandidirihan niya sa lalaki. Ang mga choices na sagot para sa tanong ay: A. Mahabang kuko, B. Mahabang buhok sa dibdib, at C. Mahabang leeg.
“Ang totoo diyan, ayaw ko ng mahabang kuko,” ang mabilis na sagot ng Kapuso star.
Ang paliwaga niya, “Matindi ‘yung imagination ko so kapag nakakakita ako ng mahabang kuko sa lalaki lalo na kung isa lang…naiisip ko na ‘yung purpose no’n. Tapos nai-imagine ko na lagi.”
Kasunod nito, nabanggit din ni Rhian na meron daw siyang scorpion tattoo sa hita. Ano nga ba ang ibig sabihin nito at bakit scorpion ang napili niyang design ng tattoo.
“’Yung scorpion kasi may ibig sabihin ‘yun para sa Kalinga tribe na para bang deadly ka kapag meron kang scorpion. Gusto ko ‘yung vibe na ‘yon, gusto ko deadly ako,” esplika ng dalaga.
Samantala, winner naman ang Team John Vic de Guzman, na binubuo ng John Vic, Pepita Curtis, at Ian, sa musical segment na “The Guess-Sing Game,” kung saan nagharap sila ng Team Rhian na sina Rhian, Boobay, at Tekla.
Sa “Na-TBATS Ka!” segment naman, nabiktima ni Rhian si John Vic matapos nitong ipangalandakan na hinalikan daw siya ng Kapuso actor at athlete noon sa isang event na isa lamang palang fake news.
Napapanood pa rin ang “The Boobay and Tekla Show” tuwing Linggo via livestream at sa GMA pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”
https://bandera.inquirer.net/320456/rhian-ramos-may-bagong-dyowa-na-rumampa-sa-gma-gala-night-kasama-si-sam-verzosa
https://bandera.inquirer.net/307082/rhian-ayaw-pang-mag-asawa-kahit-31-na-for-me-ang-dami-ko-pang-gustong-gawin-at-ma-achieve
https://bandera.inquirer.net/305524/b-day-wish-ni-kris-ipagdasal-ang-taong-love-na-love-nila-ni-p-noy-may-message-rin-kay-ping-lacson
https://bandera.inquirer.net/284485/willie-ai-ai-may-lovelife-advice-kay-rhian-mas-ok-na-magkaroon-ka-rin-ng-sariling-pamilya