Heart Evangelista hindi na raw isinusuot ang wedding ring nila ni Chiz Escudero?

Heart Evangelista hindi na suot ang wedding ring nila ni Chiz

Heart Evangelista at Chiz Escudero

TOTOO bang hindi na isinusuot ng Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista ang wedding ring nila ng asawang si Chiz Escudero?

May mga netizens ang nakapansin na sa mga bagong social media post ni Heart ay tila wala na nga sa daliri niya ang kanyang wedding ring.

Isa rin ito sa naging topic ng talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog kasama si Mama Loi kaugnay pa rin ng hindi mamatay-matay na chika na hiwalay na raw sina Heart at Chiz.

Base sa mga comments ng netizens sa mga bagong Instagram post ng Kapuso star, parang hindi na nila nakikitang suot ni Heart ang kanyang wedding ring kaya naman gusto na nilang maniwala na totoong break na ang celebrity couple.


Sa latest YouTube vlog ni Ogie, nabanggit nga ni Mama Loi na medyo “deep” ang mga post ngayon ni Heart, “Parang about life, about finding yourself.”

“Tapos wala pang ano… tapos nawala ba ‘yung singsing niya?” hirit naman ni Papa O (tawag namin kay Ogie).

Sey ni Mama Loi, hindi naman daw niya ito napapansin na sinagot ni Ogie ng, “Parang ‘di na sinusuot ‘yung singing.”

Mas lalo pa raw tumaas ang pagdududa ng mga netizens ngayong hindi na masyadong nagpo-post sa Instagram si Heart ng tungkol sa kanilang mag-asawa.

“‘Di ba minsan nagba-viral pa ‘yan dahil nga sumisingit lagi si Chiz (sa mga TikTok video no Heart),” sey pa ni Papa O.

Nauna rito, inamin nga ni Heart na marami siyang pinagdaraanan ngayon sa kanyang personal life, “I’m not going to lie — I’ve been going through a lot of personal stuff in my mind.

“I’m not going to deny, I’ve been going through some personal struggles like I feel a lot of pressure in my life, and basically now, I’m really in a search of just being happy,” sey pa ng aktres sa kanyang vlog.

“It’s about the simplest things in life that are very important and that really makes a person happy — that’s where I’m at now.

“I feel like at the end of the day, it’s really your inner strength and you being independent about what you want to do in life and not rely on anyone that matters,” aniya pa.

Unang napabalita na nagkalalabuan na sina Heart at Chiz matapos tanggalin ng aktres ang “Escudero” sa kanyang Instagram profile name. Mula sa “Love Marie Ongpauco Escudero” ay binago niya ito sa “Love Marie.”

Hanggang ngayon ay wala pang diretsahang inaamin si Heart tungkol sa chikang hiwalay na sila ni Chiz at maging ang senador ay nananatili pa ring tahimik hinggil sa issue.

Sa Facebook account ni Chiz nananatili pa ring naka-pin ang litrato nila ni Heart na kuha sa opening ng 19th Congress noong July.

https://bandera.inquirer.net/321054/heart-evangelista-tinanggal-ang-apelyido-ni-sen-chiz-sa-ig-name-may-pinagdaraanan-nga-ba

https://bandera.inquirer.net/321308/heart-evangelista-may-dapat-ipaliwanag-sa-netizens-yam-concepcion-thankful-sa-ang-probinsyano

https://bandera.inquirer.net/321985/heart-chiz-may-pinagdaraanan-bilang-mag-asawa-totoo-nga-kayang-naghiwalay-na

https://bandera.inquirer.net/303190/heart-talagang-naghanap-ng-lalaking-mas-matanda-sa-kanya-apekatado-sa-memoirs-of-geisha

Read more...