SHARON nabwisit na naman: Please, iharap n’yo sa akin ang KABIT at ANAK ni KIKO!


Binura na ni Sharon Cuneta ang kanyang rants lately in defense of her husband, former Sen. Kiko Pangilinan. Hindi namin alam kung bakit binura niya ang mahaba niyang reaction sa privilege speech ni Sen. Jinggoy Estrada.

We can only think na hindi na siguro gustong balikan ni Sharon ang kanyang mahabang litanya sa Twitter kaya niya binura ‘yon.

But one thing is obvious, gusto nang mag-move on ng Megastar mula sa kanyang Twitter rants, “Okay, back to work na ako!:-) Moving on na po!!! Basta malinis ang konsensya, masaya!!! Thanks for your time. :-)” tweet niya recently.

“Goodnight, everyone! Please don’t worry about me or Kiko. We have our family & our faith in God. 🙂 And I have YOU! Luv you guys. Sleep,” dagdag pa niya.

Educated that she is, nakuha pang mag-sorry ni Sharon sa kanyang asawang si Kiko, “I said na my piece, Sweetheart, no more na!:-) hahaha sowy!!” she said.

Actually, marami ang nakaunawa kay Ate Shawie. Naintindihan nila ang sitwasyon ng Megastar. Pero meron talagang tao na tila hindi makatiis na hindi asarin si Sharon.

A certain Lianne Madrazo tweeted, “Wag din kayo magmalinis, @sharon_cuneta12. Di po alam ng boss ko na ginagawa ko e2 pero KAYO ANG MAGPAKATOTOO tungkol sa kabit ni KIKO!”

Hindi ito pinalampas ni Sharon who tweeted back, “PLS LANG PAKIHARAP NA PO SA AKIN ANG PINIPILIT NYONG KABIT AT ANAK NI KIKO!

Matagal na ako naghihintay may cash offer pa nga ako eh! Bakit WALA?! Naninira ka lang talaga. Buking! Hahaha.”

( Photo credit to Google )

Read more...