WAGING-WAGI ang “He’s Into Her” lead actress na si Belle Mariano sa 17th Seoul International Drama Awards.
Ang Kapamilya young actress ang nag-uwi ng Outstanding Asian Star sa taunang Seoul International Drama Awards na ginanap sa South Korea.
Kinumpirma ng Rise Artists Studio, isa sa talent management arm ng ABS-CBN Films, na siyang nangangalaga sa career ni Belle, ang bonggang good news.
Sa pamamagitan ng Instagram, ibinandera ng RAS ang pagkapanalo ng dalaga na siyang kauna-unahang Filipino actress na na nakapag-uwi sa bansa ng nasabing award.
“Congrats Belle for winning the ‘OUTSTANDING ASIAN STAR’ in the Seoul International Drama Awards. Rise Fam is very proud of you!” ang caption na nakalagay sa IG post ng management ng ka-loveteam ni Donny Pangilinan.
Ang pagkapanalo ni Belle ay nangyari rin matapos ang back-to-back na tagumpay ng mga award-winning Kapuso stars na sina Alden Richards (2019) at Dingdong Dantes (2020) sa Seoul International Drama Awards.
Inaasahan ang pagdalo ni Belle, kasama ang iba pang honorees sa magaganap na formal awarding sa Seoul, South Korea, sa September 22 na mapapanood live sa KBS 2TV.
Parehong nominado sina Belle at Donny para sa Outstanding Asian Star category para sa natatanging performance nila sa “He’s Into Her”.
Bukod sa “He’s Into Her” series ng DonBelle, bumida rin sila sa pelikulang “Love Is Color Blind” at malapit na ring ipalabas sa mga sinehan ang upcoming film nilang “An Inconvenient Love,” mula pa rin sa Star Cinema.
https://bandera.inquirer.net/322714/belle-mariano-mas-naging-palaban-dahil-sa-hes-into-her-ang-matapang-umiiyak-pero-hindi-nagpapasindak
https://bandera.inquirer.net/297379/belle-mariano-sinupalpal-ang-netizen-na-nagsabing-hindi-siya-maganda
https://bandera.inquirer.net/318603/squid-game-gumawa-na-naman-ng-bagong-record-humakot-ng-nominasyon-sa-2022-emmy-awards
https://bandera.inquirer.net/303996/ako-yung-tipo-ng-bata-na-laging-bida-bida-sa-family-reunion